Tuesday, September 26, 2006

Ang Galing Ng Lola Nyo



“Maghihintay Ako”
Atlantika Love Theme
Performed by Regine Velasquez

Malayo man ang umaga sa buhay kong ito
May liwanag ng pag-asa na sisilayan ko
Ikaw na s’yang tugon sa aking panalangin
Puso ko’y wag sanang biguin
Dinggin ang bulong ng alon at hangin

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo’y iisang puso
Kaya’t maghihintay ako

Kay tagal ng panahon
Hanap-hanap ka
Poot ko’y napawi ng makapiling ka
Ngunit naglaho ka
Sa akin ay nawalay
Bakit ang agos ikaw ang tinangay
Mula sa dagat ng aking buhay

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo’y iisang puso
Kaya’t maghihintay ako

Maghihintay ako

Malunod man sa lalim ng sakit
Aanhon din
Sa paglalapit ng langit
Alam kong ikaw
Saka ay babalik
Alam kong ikaw ay babalik

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Dahil iisang puso
Maghihintay ako

Maghihintay ako

0 Comments:

Post a Comment

<< Home