Friday, August 18, 2006

Nagkataon Nga Lang Ba?

ACLE kahapon kaya naman napagtripang magpunta sa MOA ng mga Math Club people. As in ang dami talaga namin: gelaide, hans, isay (with buddy marlon), judith (with buddy nikko), kamille, janis, jhayeem lenlen, jodi, gelo, wawo, leslie, james, salve, april at dudubs na nakita namin doon. Masaya naman ang bonding moments. Hindi naman maiiwasan ang mga bumukod pero di ko lang kasi feel na magkakasama kayong pumunta tapos maghihiwalay at magsasama-sama na lang pag pauwi na. Sana umpisa pa lang, kanya-kanya na. Nawala ang essence na bonding dapat siya ng lahat ng kasama, hindi ng iilan lamang.
Anyways, napag-isipan namin nina gelaide, hans, carmel, lucky, judith, isay, dudubs at kamille na bisitahin si marvylicious sa hospital. Na-dengue kasi ang hitad at kasalukuyang nagpapagaling sa Gen. Malvar hospital sa Commonwealth lang. may meeting ang MEMCOM at si leslie di namin mahagilap kaya naman tumuloy na kami. Dahil marami kami, nauna na sa taxi sina gelaide, hans, carlo at kamille. Kaming limang naiwan naman nag-jeep na lang. Hindi naman kasi kami makahanap ng taxi. Meron sana pero nang malamang lima kami, sabihin ba namang "hindi ito jeep!!". Hindi naman kagandahan ang "cab" niya.
Actually, sa Pure Gold kami nagkita. Bumili na nga sina gelaide ng mga pagkain para kay marvy. In fairness, marami ay MARBY ang brand. Parang sinadya yata. Anyways, mula doon, naglakad na kami hanggang hospital. Malapit lang pala talaga. Medyo scary lang dahil gabi na.
Sa entrance, sabi ng guard, masyado raw kaming marami kaya hati na lang daw kami sa dalawang grupo. Nauna sina isay, gelaide, hans, judith at kamille. Kami namang apat nina carmz, carlo at lucky nasa labas, as in nasa labas talaga ng hospital. Niyaya na nga kami ng boardmates ni marvy na pumasok, di pa rin pinayagan ni kuya guard. Madyo creepy lang ang feeling ko. First time ko kasing bumisita sa ospital. Hindi pa rin ako nako-confine ever. Sabi nga ni dudubs, mas scary sa ospital kaysa sa sementeryo. Meron pa ngang hinatid na pasyente. Parang hirap huminga pero conscious naman.
Anyways, turn na naming pumasok. Sa room 303 si marvy. Okey naman pala ang room niya. Ang bait nga ng boardmates niya dahil binabantayan talaga siya. Umuwi nga lang ang isa dahil mag-aaral daw. Buti nga naagapan ang dengue niya. Hindi pa ako nagkaka-dengue effect ever kaya naman wala akong alam sa mga platelet counts pero sabi ni dudubs, mas mababa raw ang kanya compared sa condition ni marvy. Minamanas nga ang kamay niya e peropwede na raw siya umuwi bukas. nanood pa nga kami doon ng Deal Or No Deal at konting BWN. Dahil nagyaya na sina gelaide na umuwi, nagpaalam na kami.
Sina hans, gelaide at judith nag-bus na papuntang taft. kaminglima nag-aaway pa kung MRT o bus ang sasakyan. Kung bus, aircon o ordinary. Sina lucky at kamille, ordinary kami ni dudubs aricon. Ang ending sumakay kami ng jeep papuntang hi-way at nag-MRT.
Habang nasa biyahe, nakasabay namin si jay sa philcoa. Tapos nag-text sina gelaide na nakasabay pala nila si aris sa bus. E kaninang umaga nag-away ang mga iyon.Of all buses ba naman na pwedeng sakyan ni aris, iyon pang sinakayan nina gelaide ang napili niya.
So ganun na nga. Pagdating namin sa MRT, marami na palang "naghihintay" sa amin.Andun ang ibang MRT people na madalas naming makasabay at nadagdagan pa nga dahil friday at off for a long weekend.
Di ko lang ineexpect na may kanya-kanya kaming lakad at dinaluhan pero pagdating sa isnag bahagi ng buhay magtatagpo kaming lahat. Hinahanap mo pero sila rin pala ang kusang lalapit. Pag ang tao kasi pilit na hinahagilap, lalong nagiging mailap. Kaya hayaan na lang natin silang maglandi sa kung saan-saan. Magugulat ka na lang kakatok na lang sila sa pintuan ng bahay mo. I learned that from experience.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home