Monday, August 14, 2006

I Need Someone To Keep Me Warm

Ang lamig ng panahon ngayon. Parang nakakatuksong matulog Kahit maghapon kang nakahilata lang, ang sarap sarap ng feeling. Mas maganda sana kung may kasama ka sa higaan, kung may kayakap ka. may hahaplos sa iyo at magpapainit ng iyong malamig na maghapon. Sana nga magkaroon ka ng kamay, baba ko. Parati na lang ako ang humahaplos at humahalik sa iyo. Sana naman gawin mo rin iyon sa akin.
Naaalala ko pa ang baba ko noong mas bata pa ako. Hinuhubaran ko talaga siya parati. tapos yayakapin ko siya nang mahigpit. Iipitin ko ang laman ng unan sa isang bahag lang at titiklupin ko siya. Tapos hahalik-halikan ko. E ilang taon siyang hindi nilalabhan pero hinahalikan ko pa rin. kadiri 'no? Sinunog nga siya ng nanay ko at naiyak ako. Isipin mo naman ilang drum na ng laway ko ang nasunog kasama ng uan? Mga luha pag umiiyak ako sa gabi? Alam rin yata niya mga pantasyako sa pagtulog.
Well matagal-tagal na rin naman iyon. Ngayon meron na akong bagong baba. Binigyan nga irn ako ndati gn friend ko pero ibinigay ko na lang sa baby kong pamangkin. Kawawa naman ksi siya, e. May sakit siy dati kaya nakitira muna sa amin para magpagamot. Anyways, nakauwi an siya sa province kaya feeling ko medyo okey an siya. Sana nga okey na sya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home