Sunday, August 06, 2006

DIVI Tour

Nagpunta ako kahapon sa Divisoria para makisawsaw sa pamimili ng BOD ng mga gamit para sa FMQ. Actually, 10 o'clock ang call time namin sa Jollibee UN. Siyempre nandun naman ako before 10. Tinawagan ko pa nga si gelaide sa bahay nila at sabi naliligo pa raw. Nang makita kong dumating na ang triple J na sina jodi-janis-jhayee, lumayas ako sa jollibee at nag-ikot-ikot sa faura to paco park. Dapat nga papasok ako sa MASCI kaya lang nahiya ako dahil di ko kilala ang guard at prang wala masyadong tao dahil sabado at UPCAT.
Ayaw ko namang makisawsaw sa tatlo kaya naman tumambay na lang ako sa park sa labas ng McDo. Medyo naninibago lang ako sa lugar. Malinis na iyong park, wala na iyong waiting shed at wala na rin ang xerox-an sa ilalim ng LRT. Wala na ang tindahan ng zagu sa likod ng McDo.Overall, nag-improve naman ang itsura ng lugar. Na-miss ko tuloy ang P3.5 na sundae cone sa McDo noong high school pa lang ako.
Since umaambon na, pumasok na ako sa jollibee. Andun pa rin namans ilang tatlo. Nakichika naman ako sa kanila habang hinihintay ang iba. Tapos dumating si judith pero di niya kami nakita at dumiretso siya sa taas. Nang matanong namin siya, nag-text raw kasi si daniel na sa 2nd floor daw siya. Iyon pala nasa Time Plaza pala siya. Kasama niya si carmel at sicne galign silang dalawa sa north, iyon marahil ang nakita nilang branch ng jollibee. E umuulan noon kaya sila na ang pinapunta namin sa aming lokasyon. Doon na nga rin kami nag-lunch nang datnan kami ni gelaide.
After naming kumain, naghanap na kami ng masasakyan. Dapat nga FX e wala so nag-jeep na lang kami. Actually, ayon sa aking mga alaala, di pa talaga ako nakakapag-tour sa DIVI. Minsan napapadaan doon apunta kina gelaide pero aside doon, wala pa talaga akong experience doon. in all fairness, marami-rami kaming nakitang kabayo kaya naman naramdaman nami ang presence ni kamille.
After nilang bumili ng mga dapat bilhin like paper and other stuff, nagkayayaan nang manood ng SUKOB. Actually, ang plano namin, bibili na lang kami ng VCD or DVD tapos manonood kina gelaide. Pumunta kmai sa Tutuban pero wala palanag sinehan doon. Muntik pa nga kaming mahiwalay ni janis dahil nadarang na naman kami sa mga pics ni wookie na binebenta. E lahat may damit kaya nakakatamad tingnan. Si daniel palamay mineet pa at may bago na siyang phone na binigay ng boyfriend ng ate niya. ipinabili iyon ng ate niya, ha. Hindi suhol or something. Akala ko nga sila na, e.
tapos, naghanap kami ng taxi para pumunta sa SM San Lazaro na lang. E wala kaming nakita so nag-jeep na lang ulti kami. Si carmel pala umuwi dahil nagmamadali na. Sobrang haba ng nilakad namin talaga kaya naman ngarag talaga kami. Pagdating nga namin sa SM, medyo pagod na kami.
in fairness naman, pagpasok namin ng cinema kung saan pinapalabas ang SUKOB, marami talagang tao. Medyo natakot naman ako sa pelikula. Medyo naaawa nga ako kay daniel dahil sa kanya ako sumusigaw. Di ako makatili dahil may sipon ako kaya naman sumisigaw na lang ako. Naasar lang ako dahil ang pangit umarte ni kris. Tuwing nagsasalita siya, feeling ko nag-eendorse siya ng chunkee corned beef. Kailangan pa niya ng acting workshops.
After naming manood, nagkaroon pa ng konting debate tungkol sa ending. Lahat kami versus jhayee. Ay naku! Feeling ko may potential siyang sumunod sa yapak nian leonard at gelo. Joke lang po.
Dumaan pa kami sa Worlds of Fun kaya naman nag-basketball kami ni gelaide. Naka-21 tickets kami kaya naman pinapalit namin ng stamps; Dora sa kanya at Boots naman sa akin.
Nang pauwi na, naglakd kami papuntang LRT. Nagsabya kami ng JJJ. Ewan ko ba pero si jhayee pupunta pa raw kina chris estany para sa birthday ni famay. Si jodi pinipilit si janis na mag-MRT pa hanggang ayala kahit sa EDSa-Pasay Rotonda ay pwede na kaing mag-FX. napilit an rin ako ni jhayee kaya nag-MRT na rina ko pero hanggang guadalupe. Si janis at jodi sa ayala. Si jhayee sa cubao para mag-LRT2 papuntang santolan. Kawawang bata kahit pagod, pupunta pa rin. Nakompromiso kasi, e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home