Thursday, June 08, 2006

Ang sarap pala tawaging kuya

Ngayon lang ako nakapunta sa school for enrollment dahil may raket nga kami noong tuesday at wednesday.
Actually, hindi nga ako nakauwi noong tuesday ng gabi sa bahay. Kina gelaide kami nina april at judith natulog. Sobrang impromptu nga ang desisyon ko na doon na matulog dahil nayaya na lang nila ako.
dapat nga noong lunes ako pwedeng mag-overnight. Ang problema, masyado nang late para mapaalam ako. Masyado klasing maaga ang call time na 530-6 daw sa MLQU. E hindi ako familiar sa lugar. Ang alam ko lang ay ang Quiapo kaya nagpasabay ako kay judith na magmeet nang 515 sa Mini-Stop. As usual late siya buti na lang medyo nakapa ko ang lugar kaya nakarating naman ako nang safe at buo.
Anyways, kahit biglaan naman ang desisyon, medyo swerte pa rin dahil nadala ko ang FOPC shirt ko. So dumaan na lang kami ng divisoria para bumili ng brief at medyas. In fairness, nilabhan naman ang brief bago ko sinuot. Doon na rin siyemrpre ako naligo. Buti nga binigyan pa ako ng toothbrush.
In fairness, mababait namana ng mga taong binantayan ko.Wala namang problemang nangyari o whatsoever. Ayon kasi sa kinuwento ng ibang hindi na bago sa ganitong gawain, may mga examinees daw na sobrang mandugas na garapalan talaga. Alam mo naman ngayon, may mga doktor na nagne-nursing kaya naman ilan sa kanila ay may-edad na. Siyempre medyo nakakailang na sawayin ang mas nakatatanda. Buti na lang mababait sila. Iba nga ang feeling dahil feeling ko nirerespeto nila ako. Tawagin ba naman akong kuya at sir. Nakakatuwa nga na sa mga taogn hindi mo pa kilala nakita ang pagkilala na kailangan ko. Thanks naman sa kanila.
In fairness, sa dalawang araw na nag-proctor kami doon, hindi naman kami ginutom or anything. Actually, nagsawa nga kami dahil every 2 hours yata dinadalhan kami sa rooms namin ng food sponsored by mcdo. May chicken, burger, pancak, fries at drinks. Ayoko lang ng pakpak kaya naman nakipagpalit ako kay judit para sa puwet. Pagkatapos pa ng session sa isang araw, pwede pa kaming kumuha ng burers kaya naman kumuh kami ng marami noong tuesday para naman may maiuwi kaming pasalubong para sa pamilya ni gelaide.
Well buti na lang nakatulog kami kina gelaide. Mas malapit sa kanila ang lugar kaya n\hindi namin kailangang magmadalai. Mas tipid pa sa pamasahe. Kugn galing kasi sa bahay namin, 100 ang pamasahe ko papunta at pabalik. Pag galing kina gelaide, sobrang laki ng diperensiya. Sobrang laking tulong talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home