Thursday, June 01, 2006

Si Kamille, Lambchop Na?!?!

Grabeh medyo may hangover pa ako sa birthday ni gelaide no'ng 30. Nag-overnight kami doon at hapon na noong makauwi kami. Nakalimutan ko an ngang maligo kahapon dahil natulog lang ako. Kadiri!! kaya naman naligo ako kaninang tanghali pagkagising ko. Ang init na kasi ng panahon, tapos di pa ako maliligo? Kumusta naman sa akin, di ba?
Actually, hindi naman sobrang bongga ang celebration. Isang sobrang simpleng overnight na may kainan at videoke. Kami-kami lang nina hans, judith, april, carmel, isay at kamille. Buti nga nadala ni judith ang videoke kahit hindi ipinaalam kaykuya mon. Naku lagot!
Ewan ko pero parang ang saya. Siguro dahil matagal na akong hindi nakakaalis ng bahay. Saka iba talaga ang feeling kapag feel mo talaga ang mga kasama mo. Hindi na nga ako humingi ng perang pambaon buti na lang may pera pa ako.
May ipinabasa nga pala sa aking text si kamille. na ipina-insure na ni mimi ang legs niya for $1B para sa Legs of A Goddess churva. Anyway,maganda naman talaga ang legs niya, e. Iyan ay according sa Hanes. Walang kokontra ha? Ang kumontra kamukha ang patay na kuko ni judith! Iko-confirm ko na lang ang chismis ni kamille kung totoo.
nagkayayaan pa nga sa magpunta sa Mall Of Asia sa Friday. Actually, excited ako dahil hindi pa ako nakakapunta doon at medyo bago pa. Sana magkaraket ako para magkapera para sa mall tour namin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home