Saturday, May 20, 2006

For A First Timer, Ganun Pala Kahirap

Grabeh medyo masakit pa ang katawan ko. kahapon kasi ang bagsakan ng papel for FO. Pinatapos pa namin nina gelaide, hans, carmel at isay ang pagbagsak, e. Siguro 8 na kami nakaalis sa vinzons. Sina franze at famay buti nga tumulong pa pero medyo mas maagang umalis. Actually, lagi naman silang nandyan e hindi gaya ng iba na hindi talaga nagpaparamdam. Si bato nga sobrang nakakaawa nang datnan namin sa vinzons nang mag-isa. Sina irene, ean, leslie at dudubs naman tumulong din sa pagtransport gn papel. Iyong iba kasi may exams daw or gagawin pa pero ewan ko nakikita ko lang na nagabbaraha. Dapat nga hindi ako pupunta kung hindi sa isang libro na kukunin ko. Si gelaide hindi rin makakapunta kung hindi lang nawawala ang ilang documents. Si hasn may meeting rin. E sino na naiwan doon?
First time kong umattend ng isang bagsakan at hindi ko ineexpect na ganito siya kahirap. kung sana may mga tao doon na tumulong, mas mapapagaan sana ang trabaho kahit papaano. Si carmel nga nadapa pa. Sorry naman sa kanya.Sana lang kung may ibang tao doon na handang tumulong. Hindi iyong nag-iinarte na mainit or what at gagawa lang ng rason para ma-excuse. Medyo naglinis na nga pala kami ng tambayan pero amdumi pa rin. nag-iwan pa nga sina judith, leslie at jhayee ng tira nilang tortillos sa mesa. Sana man lamangtina[pon nang maayos . Hay naku! Inipis tuloy...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home