Saturday, May 13, 2006

Censored!!!

Grabe workday kanina for FOPC pero as usual kaunti lang ang nakarating. Ang mahirap parang iyon at iyon pa rin ang tao. Siyempre wala namang ibang choice kundi gawin din naman. Heheheh
Pagdating ko nga sa tambayan si carmel lang ang nadatnan ko. Late na ako noon, a.Tapos sumonod si famay, gelaide, hans, at bato. Dumaan din pala sina jhayee, leslie, judith at inne na pawang may mga exams sa physics 71.1. Medyo dumaan rin naman sina mike at chris. Dapat nga pupunta kami sa teachers' village para mag house-to-house e hapon na masyado at walang sasakyan. Masama rin ang panahon kaya nagtali na lang kami ng newspapers na tag-10 kilos at white paper na tig-5 kilos. Dumaan nga rin si millie para tumulong pati na rin para umattend ng BOD meeting. Nawawala kasi ang ilang important documents basta ganun na iyon.
nang badang hapon na, dumaan si tom kaya nagkayayaang mag-Mega Mall. Pero ang nangyari kami lang dalawa ang natuloy.Si jhayee nga nagpaiwan pa hinihintay niya pa raw ang kanyang best friend.
Sa Powerbooks Mega Mall, medyo nakakahiya dahil nadedetct gn sensor ang Supersex book ko. Akala ko nai-off na siya doon ng guard dati e tumutunog pa rin. Medyo nakakahiya tuloy. Baka isipin nila malibog akong magnanakaw. Malibog oo pero magnanakaw di pa naman.
Actually, sandali lang kami doon dahil kailangang umuwi agad ni tom para manood ng Pinoy Pop Superstar-ar-ar-ar!!
So loner na naman ako kaya nag-waffle na lang ako sa tapat ng Star Mall. Basta may hotdog, kahit mag-isa okey lang. At least, walang ka-share.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home