Sunday, April 30, 2006

Batch Interview 05-B

Tanghai na ako nakarating sa lagoon kanina para sa batch interview. tatlo kais ang buddies ko ngayon. Sina james at lovely by grace at janis by izzay. La lang. At saka matagal an rin akong tambay sa bahay. So at least nakaalis na rin ako.
Pagdatig ko doon, nag-uumpisa na sila sa sa preamble thingy. Dios mio. La lang. Si lovely nga humabol pa from final exam sa math 53. Buti na lamang sa AS siya nag-exam. E ako di pa kumakain ng lunch kaya gutom ako. Wala naman akong mayaya. Kami ni marvy umakyat na lang sa puno. Medyo umuulan kaya lumipat na lanag sa Quezon Hall. Naghahanap pa nga ng permit si manong guard. Kailangan raw kasi ng permit pag more than 10 ang tao.
tapos lumipat pa sa math para ipagpatuloy ang dapat gawin. buti na alnag gutom sina leslie at jhayee kaya may nakasama akong kumain. Dapat nga sa NISMED kami pero sarado kaya sa math na lang. Din a rin ako kumain kundi shake an lang.
Tapos, tumuloy na kami sa pinagdarausan ng batch interview. In fairness, dumating si Judith para magbigay ng initation para sa debut niya sa sabado. Wish ko lang di ba? E di pa nga ako sigurado kung makakapunta ako. Wala kais akong pera,e. Tsaka ang init-init. Nakakatamad lumabas. Dumating rin si deng at siyempre nakalimutan niya na namana ng mimi cd ko. Matagal-tagal rin naman ang ginawa nila. Naglalaro pa nga kami ng habulan, e.
Nang matapos na sila sa ginagawa, pumunta na kami sa MB Parkign lot na malapit sa physics bldg. Nagkwentuhan na lang kami doon. Kasi naman ang tagal-tagal nila. Dapat nga patatapusin pa nina gelaide. hans at deng ang batch interview e may gagawin pa si deng kaya maaga silang umalis. Ako naman hinintay ko pa si isay. Nagkasabay kasi kami papunta sa school at sabi niya pupunta raw siya sa interview pagkatapos ng project na gagawin niya with icko. Sobrang late na nga siya dumating, e. Pinatapos pa nga namin ang batch interview. Siguro mga 10:30 na iyon nang matapos at tinahak naming ang daanan papuntang vinzon’s sa CHE. Buti nga nakasakay kami agad ng jeep papuntang jollibee-philcoa. Masyado na talaganag gabi. 11:30 na kami nakaalis ng McDo at siguro mga 1 AM na ako nakauwi ng bahay kanina. Ang saya, di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home