Sunday, April 02, 2006

Judith's Debut

Kaninang umaga lang ako nakauwi galing sa debut ni Judith. Galign s abahay nila, naglakad kami nina isay, jhayee, franze, famay at lucky hanggang muñoz. Sina lucky at famay ay umuwi na habang kaming apat ay kumain sa jollibee. Matapos kumain, si franze ay humiwalay na sa aming tatlo na nag-bus naman. Medyo nakakapagod nga na tanghali na ako nagising. As in natulog ako pag-uwing pag-uwi ko. Nakakapagod talaga as in.
Sa totoo lang, di ako dapat pupunta. Nahiya lang ako kay Judith dahil din a nga makakapunta si deng, di ap ako pupunta? Wawa naman siya. Hehehe.
So kahap;on ng umaga, nag-isip na ako ng pwedeng iregalo. Dapat n gang puso ko, e. Ang problema may iba nang nagmamay-ari. Actually, kinuha niya na. So nag-isip ako ng something na pag nakita niya maaalala niya ako. Tipong bahagi iyonng pagkatao ko. Naisip ko lang ay ang movie ni Mariah na Glitter. Mura lang naman iyon, e. Saka P150 langa ng budget ko. Pamasahe nga hiningi ko pa sa nanay ko.
So nagputna akong market market hanggang ayala hanggang glorietta hanggang greenbelt para lang maghanap ng vcd. Nakakahiya ng dahil kapag nagtatanogn ako kung meron silang Glitter, pupunta sila sa audio cds. Sabay sasabihin ko na “Movie poi yon”. Tapos pag nalaman nila, “ah si Mariah Carey ang bida”. Nagmumukha tuloy akong fanatic kahit hindi naman. Buti nga nakakita ako sa Landmark. P100 lang. Dati nga may nakita ako na P50 lang sa National Bookstore. Buti na lang may nakita akong kopya dahil kung wala, naisip ko na bibili na alng ako ng glitters tapos ilalagay ko sa isnag box at ibabalot ko na lang.
Pag-uwi ko ibinalot ko pa. kahit para sa iba medyo malaswa ang pagkakabalot ko, sinubukan ko naman iyong polo na gift wrap e iba ang lumabas. Pero cute pa rin siyempre.
Actually, naghahanpa ako noon ng kasabay pero ang nangyari, ako na lang mag-isa ang pupunta hanggang Makita ko sa sm north sina alloy at lucky. Si alloy nga nasalubong kong nang magbibihis sana ako sa sm north comfort room. ASi lucky hinintay naming sa jollibee. At least, may nakasabay ako. Kinakabahan na nga ako noon dahil 7 o’clock na iyon e 7 ang call time na nakalagay sa invitation. Nakakahiyang magpaimportante lalo na kung hindi o masyadong kakilala iyong ibang nandoon. So niyaya ko silang mag-taxi e wala raw pera si aloy kaya napilitan na lang kaming mag-bus. Malapit lang naman sa sm north, e. Nakapunta na nga ako doon dati at medyo alam ko na ang lugar.
In fairness, nakarating naman kami nang ligtas. Sa labas nga ng gate, nakasabay pa naming sina jen, nats, onang, shalli na pawing new mems at damark. Sa loob naman, nakita ko si augie. Hindi kami masyadong close pero nag-hi naman ako sa kanya. Pasado 7:30 na yata iyon pero di pa nagsisimula. Wala pa nga gaanong tao, e. May tumawag kay augie so lumabas siya at hindi na siya bumalik. Marami an ring nagdatingan like ate dang, nikki, sancho, jhayee, gelaide, hans, aris, isay, james, ja, mark. Sina dudubs, franze, famay ibang bahay pa ang napuntahan. Anong oras na hindi pa rin nagsisimula so nagtawag na si kuya mon (bayaw ni Judith kay ate jo) na kumain na raw.
Tapos bigla akong tinawag ni ate jo (kapatid ni judith), pinapapunta raw ako ni judith sa itaas. Pag-akyat ko, andun si judith at nag-aayos na. Nautusan naman akong magpapirma ng papel sa mga roses kung ano ang kantang idededicate sa debutant if ever man meron. Medyo mahirap dahil kumakain na sila. Buti nalang tinulungan ako nina czerby at ella na pawang mga pamangkin ni tita judith. Medyo close kaming tatlo. Medyo FC ba?
Andun rin sina adrian at hazel. Sila ang emcees. So ganun na nga. Tapos konti pa ang nakapunta kaya kailangang ayusin ang roses at shots. Kahit sino na lang basta nandun. Buti nga dumating sina oj, jay, ayette, mean, kristel, bennett, macy at jenesis. Sila pa naman ang closest friends niya since high school. Tapos naging utusan pa ako nina ate jo para sa kantang ipapatugtog pag pababa na si hudith. Ako na nga ang pinapili at napag-uisapan na lang na "You're My You". Favorite naman niya iyon, e.
Sa wakas, nag-umpisa na ang party and all. After ng sayawan at speeches at least nakakain na ako. Pero konti na lang ang nakain ko dahil medyo na-overwhelm na ako sa mga pangyayari. nagsimula an silang magsayawan ng mga dance tunes na hindi ko maintindihan. Medyo ngarag na nga ako dahil pagod and all. In faiirness, ang kulit kulit ni adrian. Todo sayaw naman siya. Si hazel nga nananahimik na lang s aisnag sulok. So medyo napasayaw na rin ako. Si jhayee nga na galign sa overnight nila ng volleyball class at 2 hours lang daw ang tulog ay nakihalo na rin. Nagwala na talaga sila. Kanya-kanyang dance steps na ang ginawa nila. Pati tito ni judith sumayaw na rin at siyempre si sancho.
Actually,ang laks-lakas ng disco music nila. Dii naman talaga kami maka-relate sa mga kanta. Wala pang mimi songs like "heartbreaker", "Fantasy" or "Honey". Si gelaide nga medyo inaantok na. Kahit ako, e. Akala ko kasi hindi na kami magvivideoke. Kasi may videoke sila sa mendiola kung saan ilang beses na rin akong nakapunta at siyemrpe nakakanta. So iyong iba, nag-truth or dare na lang. In fairness, medyo game silang lahat. Siyempre may involve na inuman. Si sancho nga halatang may tama na ayaw pa ring matulog or something. May mga nag-cards pa rin as usual. Hanggang doon ba naman?
Tapos, biglang tumahimik ang paligid. Pinatay na iyong disco sounds sa labas. Tinawag ako ni jay na kapatid ni judith na magvideoke an raw kami. Bigla akong napa-cheer kaya nahiya tuloy ako. Kasi naman I'm so excited.
Nag maiset-up na iyong player nagparequest ako kay ja ng "Mr. Kupido". Song ko kasi iyon at that moment. Tapos kinanta ko ang "Somewhere Down The Road". Big Night kasi noon at in fairness si Keanna ang nanalo. Ano ang connection? Well, ito raw ang theme song nina zanjoe at bianca. La lang. Nakakhiya nga dahil nakatingin sa akin si ate tere ni judith. Siguroi nagstuhan ang boses ko. Siyemrpe ala-christian bautista sabi nila. Si sancho nga nakarami rin ng kanta. Actually, hindi ko na napansin na nakauwi na pala iyong iba. Sorry naman. Medron ngang kumanta ng "Biyahe tayo" ni lala reg at niilait ko. Di ko alam na hindi pala namin kilala iyogn kumnta. Me angd my big mouth. Siyempre nakarami ako ng kanta. Sina famay at franze nga nakailan rin. Tapos unti-unti nang nawala ang mga tao. Bahala sila basta kakanta ako. It's my time to shine. Hehehe.
Tuluy-tuloy lang ang kantahan hanggang 7 ng umaga. Siina lucky at adrian nag-last hirit pa. Nagising na nga sina kuya mon kaya medyo naengganyo na kaming umuwi. Medyo nakakahiya nga na di man lang kami nakatulog sa pagbawas ng kalay or anything. Eklat lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home