Gwapo ni Papa Christian!!!
So pagdating ko sa Market Market, akyat agad ako sa 4th floor para bumili ng blank cds for myself, leslie at Judith. Para iyon sa wizard photos na na kay lenlen ganda. Nang papaunta na ako sa National Bookstore, may nakita akong streamer ni Christian Bautista. Maymall tour pala siya ngayon nang 4:00 pm. E 2:15 pa lang iyon at kugn magnenet ako nang 1 hour at 15 mins(P20) sa guadalupe, tama lang na 4 pm ay nakabalikna ako para manood.Pero hindi pa rin sigurado dahil baka mag-enjoy ako at mag-extend pa. Pagdating ko naman sa computer shop, wala raw internet so inisip ko na alng an abaka it's a sign at blessing in disguise na rin para malanood ako ng mall show ni papa christian.
So bumalik na nga ako sa Market Market. Sobrang aga ko pa kaya pumasok na lang ako sa national bookstore para maghanap ng pwedeng basahin at nakita ko naman ang Pugad Baboy. First time kong magbasa ng ganitong babasahin at natuwa naman ako. May mga hirit like "pinaglihi sa almoranas". Ano ba itsura noon? So ganun na nga. 3:40 pumunta na ako doon malapit sa stage at nanood na lang ako ng mga batangnaglalaro sa mini-arcade sa tapat mismo ng stage. Kaunti lang ang taongnandun mismo sa closed area pero feelign ko dahil iyon sa hindi naman lahat ng taoay informed tungkol sa siad event. Defensive kapamilya ba?
Past 4 nang may nagsalita doon sa stage. Lalaki na medyo cute naman. Di ko lang alam name niya. Dumaan si Christian na naka-orange na polo. Pero sadly, hindi ko naaninag mukha niya. Nagsimula na ang ibang front acts.
Si Kenny ang unang nag-perform. Fil-Am siya at 8weeks pa lang daw siya sa Pinas. According pa dun sa host kanina, back-up dancer daw siya nina Jordan knight at Aaron Carter. Ayon sa evaluation ko sa pagkanta niya ng "Bailamos" at "Signed, Sealed, Delivered, I'm Yours", sana magsayaw na lang siya. Masyadong maraming flats, sharps at napariwarang notes. Napansin ko rin na malaki ang bukol niyas a pantalon at feeling ko lang pinapa-obvious nia iyon sa mga manonood dahil palagi siyang humawak sa buckle ng sinturon niya.
Next naman si Ian Magdangal. Dati raw siyang miyembrogn isang boyband dito sa Pinas. Compared kay Kenny, mas nagustuhan ko siyang mag-perform. Moreno siya unlike Kenny na tisoy talaga. Okey naman ang performances niya ng "U Remind Me" at "Superstar". Okey naman ang quality ng boses niya kahit ay kaunting palya.
Then entered Sam Concepcion. Sabi niya, kasama raw siya sa latest fantaserye ng ng ABS na "Super Inggo" with Makisig Morales na kapwa finalists sa Little Big Star. Gwapo nga talaga siya at hindi lang ako ang nakapansin dahil tilian talaga ang mga kababaihan at kabadingan na rin sa venue. Tapos dumaan pa siya sa harapan ko, gwapo talaga. Kinanta niya iyong"Shout For Joy" at "True". Hindi talaga siya ganun kagaling kumanta pero napakagaling niyang magpa-cute at magsayaw. Ma-PR pa siya sa tao. Nanghingi pa nga siya ng boto sa mga tao para sa Grand Finals ng LBS. Go Sam!!!
Siyempre ang pinunta ko, si "Papa" Christian Bautista. Napaka-friendly niya sa tao. tapos nang dumaan siya sa harap ko, gwapo pala talaga. Ngayon ko lang siya naapreciate pero para talagang penguin ang pwet niya na nakausli. Anyways, noong nag-ikot-ikot siya sa audience, ang dami talagang nagtitilian at kumukuha ng pictures. Iyong mga kinanta niya na alam ko ay "Invincible", "Hands To Heaven", "The Way You Look At Me" at "Everything You Do". May isa pa siyang kinantang medyo upbeat pero di ko alam. Charming talaga siya. Nagyaya pa nga siya na kumain daw kami sa Greenwich after ng show niya. May sumagot na libre niya raw. Sabi niya pag-iisipan niya raw pero hanggang umalis ako wala siyang sinabi.Hindi siya masyadong nag-hit ng high notes similar dun sa recording versions ng mga kanta niya siguro dahil natatakot siyang pumiyok. Noong time na autograph signing na, umalis na ako.
Pag-uwi ko naman, may nangyayari na naman sa ating bansa. May kaguluhan sa Fort Bonifacio. Well sana lang maayos agad dahil malapi lang bahay namin sa Fort Bonifacio. paanokung magbombahan sila, baka madamay kami. Wawa naman kayo. Harharhar. Sana may pasok na bukas dahilmalapitna exam ko at ay ipapasa pang probset bukas sa 23. So please lang, masyado nang maraming punyal na nakatusok sa puso ng ating Inang Bayan sa dami ng krisis na kinakaharap natin ngayon. Siguropagsubok na rin ito ng Diyospara magbalik-loob tayong lahat sa Kanya at ipaalala na kailangan natin Siya sa mundong ito. Heheheh.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home