Sunday, February 19, 2006

The Wizard Aftermath



Ngarag pa ako ngayon. Kakauwi ko pa lang mula kina gelaide. Nag-overnight kasi kami nina isay, hans, kamille, april, judit at leslie. Nagpaalam naman ako kaya okey lang.
Anong oras ba kami nakatulog? Nakapanood pa kani ng pinoy big borther celebrity edition at nalaman ko na may pigsa pala si zanjoe sa kilikili. Kadiri!! Pero in fairness, gwapo pa rin siya. Ito nga pala sexy pics niya na nakita ko sa internet.

So ayun na nga. Dapat 6 aalis na kami ni isay dahil kailangan 8 nakauwi na siya para sa church something. 5:45 nagising na ako pero dahil tulog pa silang lahat, natulog ulit ako. Tapos nanood pa kami ng MYX Hit Chart para kumanta ng NARDA. Gusto ko kasi iyong tipong rock pero medyo mushy. Nakaka-relate pa ako sa lyrics. “Tumalon kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin.”Doon na kami nag-breakfast lahat. Nagkasabay kami nina isay, Judith at lelsie hanggang tayuman. Ang iba naman nagpaiwan at sasabay pa yata kay gelaide na pupunta pa sa school. LRT naman kami ni isay habang ang dalawa ay papuntang ESPAÑA. Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa overnight dahil marami akong nalamang mga abgay-bagay na dapat dati ko pa nalaman. So ganun na nga.
Iyong wizard kaapon, okey naman. Siyempre pasalamat sa lahat ng talagang nagtrabaho pati na rin sa ibang nagtrabaho na hindi masyadong nakita. Dapat kasi iaapreciate lahat ng mga ginagawa ng tao lalo na kung deserved niya naman. Congrats kay mike dahil noong time na napariwara si isay, naging matino siyang leader na nagpakilos sa aming PRC people.
Sa totoo lang, nahirapan kaming maghatid ng letters. May mga schools kasi na sobrang liblib ang kinalalagyan at mahirap talagang hanapin. Di rin naman kami familiar sa lahat ng schools sa Metro Manila pero feeling ko talaga sobrang effort ang inexert namin. Mahirap maghanap ng school sa isang lugar na wala kang kakilala at hindi mo pa nararating dati kaya naman nag-resort na lang sa mailing. Kay nga may post office di ba? Pero feeling ko if ever na I-mail na lang, dapat mas maaga dahil medyo matagal. Thanks rin jay jeff ni inna dahil tinulungan niya kaming maghatid ng letters though the use of his car and time and energy spent para sa isang activity na wala naman talaga siyang kinalaman. Siyemrpe dahil na rin kay inna.
Bagamat kaunti ang sumali sa Wizard this year, hindi lang naman akami ang dapat sisihin. Maraming factors na kinoconsider ang isang contestant bago sumali sa isang contest at dapat doon sa mga factors tayo mag-improve. So ganun na nga. Going back, hindi ko na first time kina gelaide pero ngayon lang talaga ko pinagtripan nang todo ng mga pamangkin niya. Tuwing dadapa ako at hihiga, sakyan ba naman ako? Worse pa iyogn tuluan ka ng laway. Buti na lang may baon akong extra shirt. Medyo close na nga kami ng mga bata, e.
In fairness, hindi masyadoing satisfying ang food. Tipong hindi worth it iyong P200 per head na budget ng club. Mas okey pa nga iyong pagkain ni mommy sa yellow house. PRC at apps pa naman ang pagkaagaagang kumain so wish mo lang. Kawawa naman ang apps dahil maghapon silang walang kain. Okey naman iyong sayaw nila. Napansin ko lang, nakapa-seductive ni shally habang sumasayaw. Pang nang-aakit. Naaalala ko tuloy si Mimi sa video ng “Always Be My Baby”. Thanks pala ulit kay joemyl para sa projector. Sorry nga kung na-late iyong pagsauli. Iyong mga judges kasi, e. Thanks rin kay marvy para sa outfit ko. Tuwa naman ako dahil naisuot ko ulit iyong polo ko na blue na may two toen effect na purple/pink yata. Naaalala ko tuloy iyong Glitter movie ni mimi. Saana lang na-obvious.
Siyempre may bago na naman kamin discovery ni isay, si Sam Christian Lee ng Southville Foreign Colleges of Las Piñas. 3rd placer siya at kamukha ni Danhelson Chua. Nakakatuwa siya dahil ayon kay inna, mukha raw siyang blue bay tuna dahil sa laki ng panga. Tapos habang nag-eexam siya, may hawak siyang charmbracelet a.k.a. buddha beads. Siguro naman nag-work dahil nanalo siy. Congrats Sam!!
Congrats rin sa WMC. Sobrang ganda ng backdrop. Buti hindi kayo nagpadala sa iba na di ko maintindihan kung bakit mas gusto ang tarp. Mas matipid pa ang backdrop kahit papaano basta marunong ang gagawa. Sobrang ganda talaga ng effect niya. Siguro dahil sa ang mga gumawa ay may alam talaga at hindi nagmamarunong lang. Siyemrpe tuwa naman kami ni leslie dahil naglagay kami ng glitters at kami ni marvy nang tumulong magkalas ng itim na cartolina at magdikit ulit.Sino ba kasi ang nanguna doon? Nasayang tuloy iyong tape at effort na rin. Nasira lang iyogn mas magandang idea nina gelaide. Anyways, tapos na naman at maganda pa rin ang naging resulta. Congrats kay sancho!
Siyempre, congrats rin sa AACfor the job well done. May lugar pa for improvement. Siyempre sa FINCOM na bagamt kapos talaga sa budget, nagtiyang maghanap ng funds para lang mairaos ang event. Sana may pera pa for the semender or at least iyon tipong parang apps’ party lang. Hindi naman kailangan na out-of-town at magastos. Importante, nandun tayogn lahat, nagsasaya at nagvivideoke.
Ganda nga pala ng souvenir kahit wala ako sa PRC photoshoot. Sana lang naisip nila na magsingit ng mukha ko doon or at least palaka lang. Heheheh.
Basta congrats sa lahat sa atin. May lovelife man o wala. Importante karamay natin ang isa’t isa tulad ng isang tunay na pamilya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home