Friday, January 27, 2006

Dance In

Kahapon, nagyaya si leslie na mag-sit-in ako sa scoial dance class nila. Okey lang naman sa akin dahil vacant ko ang time gn class nila. Niyaya ko naman si jhayee para naman may kasama ako. 10 pa kasi first class niya kaya mapipilitan siyang pumasok nang mas maaga. Sabi naman niya punta raw siya kung magigising siya nang maaga.
So kanina nagpunta ako. Akala ko naman umpisa pa lang ng pagtuturo gn sayaw e rehearsals na pala para sa practicals sa tuesday. So parang ano ang gagawin ko? Di namana ko pwedeng makisayaw sa rehearsal kung wala akong alam na step kahit isa. E iyong steps nila sobrang daming ikot pero sa totoo lang, naiinggit ako sa kanila. Gusto ko kasing sumayaw, e. In fairness, feelign ko kakayanin ko iyong sayaw nila. Nakita ko nga pala iyong crush ni grace na si josh. Promise iba ang feeling ko sa "lalaking" ito. Parang berde ang dugo. malambot kasi,e. Sana nga katulad lang siya ng ilang lalaking kilala ko na malalambot lang pero nakataas pa rin ang bandila. Anyways, hindi na ako pwedeng magsayaw so pinanood ko na lang sila.
In fairness, 9:30 dumating si jhayee. Sabi niya mas maaga pa nga raw sana siya dumating kung di lang siya naunahan ng ate niya sa banyo. La ang. Nakakatouch. Totoo iyon,ha. Tapos student teacher pala nila sa volleyball iyong student teacher nina lelsie sa social dance. La lang.
Actually disappointed ako sa nangyari kanina. Hindi nangyari ang gusto kong mangyari. Pero parati namang ganito, e. Sanay na rin ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home