Sunday, January 22, 2006

Congrats, Manny!!

Grabeh! Nanalo si Pacman sa laban niya! Meron kasing mga tsismis na talo raw. Meron ding panalo kaya parang mas exciting panoorin kung ano talaga ang totoo. As in umaga palang nakabukas na ang tv. Feelign ko nga pagkatas-taas ng rating ng abs ngayon. Wawa naman ang SOP. May nanood kaya?
Galing talaga ni manny. Hindi siya nagpaapekto sa kasentunaduhan ni jennifer bautista na kumanta ng ating pambansang awit. Nakakahiya talaga considering pinili siya over lani misalucha at martin nievera. Buti na lamang hindi alam ng mga kano iyon. Sana.
In fairness kay morales, erik hindi vina, gwapo siya. ANg problema hindi ito Mr. Pogi. Kaya pagkatapos ng laban, tila namanas ang mukha niya. Parang matagal bago maibalik ang kagwapuhan niya.
Alam mo iyon parang kahit sandali lang nagkaisa ang lahat ng Pilipino para suportahan ang kababayan habang ipinaglalaban ang pangalan ng kanyanag bansa at kapwa Pilipino na rin. Siyempre kasama na rin ang personal. Pero alma mo iyon may halong pulitika. May mga pulitikong yumakap, nakikamay at nagpainterview pa kasama si pacman. La lang.
Sana lang di rito matapos ang buhay natin. Wag masyadong ma-overwhelm sa karampot na tagumpay. Baka malunod tayo at ma-stuck sa ganitong sitwayon na lamang forever. Marami pang bagay ang dapat problemahin at solusyunan. We have to move on. May grammy awards pa na dapat abangan dahil magpeperform si mimi. Feb 9 8:00 AM or 7:30 PM Studio 23. Nood kayo!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home