"Don't Give Up On Us"
"Kung halimbawang magkakasala ka, pwede ka bang magkasala... with me?"
Meron din namang lessons ang pelikula. Feelign ko nga mas may kwenta siya compared sa ilang movies like "Let the Love Begin" at "Say That You Love Me". Mas malalim ang conflicts copared sa ibang romantic movies.
Love is blind talaga. Minsan iyong taong ayaw mo talaga ang taong magpapaibig sa iyo. Tipong people of two different worlds. Sino ang papasok sa kaninong mundo? Iyong papasok, maging maligaya kaya siya? May maganda kayang mangyari sa buhay niya?
"Love alone is not enough para magsama ang dalawang tao."
Grabe ang tindi ng tama nito sa akin. May mga tao kasi an nagpapadarang sa pag-ibig. Kung anu-ano ang ginagawa in the name of love kuno. Di niya alam nakakalimuytan niya na ang sarili niya dahil sa love na iyon. Ay naku may hangganan rin ang pagkabaliw sa pag-ibig.
Masasabi ko lang maganda talaga sa Pilipinas. Ang hagdan-hagdang palayan sa banawe, tagaytay, baguio at sagada. May hahanapin ka pa ba? May nationalistic message rin ang pelikula. Aside from promoting some of teh beautiful places in the country, kinanta rin ni juday ang "Bayan Ko" sa likod ng rehas na bakal. Isipin mo naman sa dinami-dami ng modern hit songs like "Shake It Off", "We Belong Together" at "Don't Forget About Us", iyon pa ang kanyang kinanta? Siyempre overwhelmed naman ako. Heheheh.
Naisip mo na bang mag-honeymoon sa loob ng sasakyan? Actually nag-sex na sila before pero iba ang "init'" doon sa kotse dahil matagl rin silang hindi nagkita kaya siguro naipon ang init sa kanilang katawan at gusto nila itong mapaalpas.
Okey naman ang pelikula over-all at medyo nakarelate naman ako. Magaling umarte sina juday at pioloas usual. heheheh.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home