Wednesday, January 04, 2006

I Think I'm Misunderstood...

Feeling ko may mga tao sa paligid ko na may iniisip tungkol sa akin. Naiirita ako dahil disturbing sila na sasabihan ka na "dumadamoves ka na, ha" at "may binabalak ka raw". Disturbing masyado. Pag tinatanong ko ayaw namang sabihin. Feeling ko naman alam ko na iyong iniisip nila. Sana naman wag sila mag-assume ng mga bagay at sabihin sa akin nang diretso para anman maipagtanggol ko ang sarili ko. Sobrang affected ako sa emotional torture n aginagawa nila sa akin. Feeling ko isusumbat nila sa akin ang mga bagay na sinasabi ko sa ilang tao riyan. Masama naman na isipin kong sinasbai niya sa kanila lahat ng kalandiang sinabi ko sa kanya. Pag tinatanong ko siya, di niya raw isnasabi sa kanila iyon. Siyempre naninwala naman ako. Wala akong pruweba. May tiwala naman ako sa kanya, e. Aminado ako sa may sinasabi nga ako sa kanya pero hindi lahat iyon totoo. Iyong iba totoo pero marami doon ay puro kabarberuhan lang. May mga bagay akong sinabi na hindi ko naman mini-mean pero naging iba ang dating sa maramign tao. Sana pala hindi ko na alng sinabi. Nakakahiya nga dahil may mga taong involved pa sa scandal na ito. Sorry kung na-involve pa kayo. Sobrang kahihiyan talaga ito at natatakot na ako dahil feeling ko one of these days sasabog na siya. I want to move on pero paano ako makaka-move on kung may mga taong tumutulak pa sa akin sa isyung ito? Sa totoo lang, wala naman talagang isyu. Isang napagkatuwaang trip lang naming mga friends ito. Siguro nga lumaki lang kaya iniisip ng iba na totoo na. Pero isa lamang itong malaking kabalbalan.
May mga bagay na hindi na dapat binibigyan ng malisya. Kung ano ang nakikita mo, iyon lang iyon. Huwag mo nang haluan ng iba't ibang sahog. May mga bagay lang na nasisira. Kahit ganito ako, hindi mo lang siguro alam kung paano na ako nahihirapan. Di mo lang siguro alam dahil manhid ka or sadyang wala ka lang pakialam sa nararamdaman ng iba.Feelign ko na sasabog na itong puso ko sa galit na dinaramdam ko nang kaytagal. Tao lang ako. Nasasaktan rin Nakakapagod rin minsan na ang ganitong buhay.
Ilan taon ko na itong dinadala at sa tingin ko panahon na para tapusin ang usapin ito para maka-move on na tayong lahat bago pa mahuli ang lahat at pagsisihan natin ang lahat ng mga maaari pang mangyari. May panahon pa para maghilom ang sugat ng kahapon.
Sorry sa mga taong niloko ko at pinagkatuwaan ko lang. Sorry rin sa sarili ko dahil nakisakay ako sa mga bagay na akala ko'y madali lang lilipas pero hindi rin pala. Ako rin ang nahirapan sa bandang huli.
Let's just forgive and forget.

Psalms 30:5 -->> Weeping may endure for a night, but joy comes in the morning.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home