Friday, January 06, 2006

Ako ay nagbalik...

Medyo na relieve ako ngayon. Akala ko kasi na exam namin bukas sa eee 35. Di ako nakapasok sa class kanina kaya assuming ako na tuloy na nga bukas. Nang nasa FC na, nakita ko sina borjie at divina at sabi nga sa wednesday na raw. Buti naman, naisip ko dahil hindi pa ako masyadong prepared. Hindi ako masyadong nakapag-aral during christmas break hindi ko alam kung bakit pero ganun nga ang nangyari. Niyaya niya pa nga kami ni judith na sumabay sa kanila papuntang sm north para mag-taxi pero marami kasi kaming kasama kay hindi na lang.
Pumunta pa kami ni judith sa mendiola matapos kumain sa KFC sa sm north dahil pinapapunta siya ni kuya na asawa ng ate niya. Noong una nga nagtatago pa kami pero nagpakita na rin siya. Andun sine ella, elaysha, ate jo, at kuya. Buong pamilya. Hahahah.
Siyempre nahiya ako makihalubilo sa kanila kaya nag-net na lang ako sa isang computer shop doon. Si judith naman nagpaupload ng pics noong apps' party sa photoalbum niya sa yahoo. Siyempre alam ko ung password niya. Hehehehe.
Nang inaapload ko na biglang dumating ung pamangkin niya na si ella. Meydo close kami nun, e. Nagulat nga ako kaya medyo nagpanic ako nacancel ko tuloy ung pag-upload. Buti na lang hindi siya ugn tipong umpisa ulit. Naupload na pala ung ibang natapos na. So niresume ko na lang. Naiilang ako sa pamangkin niya kaya pinaalis ko na sa pamamagitan ng pagbabalik kay judith ng cd.
Peor bumalik pa rin siya. Nahuli niya ako na naglalaro ng neopets. Siyempre bata iyon nagtatanong kugn paano daw iyon at turuan ko raw siya. Naglaro na lang kami at nang iexit ko an ang window, sabi ko ala nang ibang games at hinintay ko an alng matapos iyong pag-upload ng pics. Buti at umalis siya maya-maya nang kaunti dahil kakain na raw sila. E kumain nman kami ni judith bago pumunta doon kaya busog pa ako.
Nang bumalik uli siya, sinabi niya na aalis na raw sila kaya naman umalis na rin ako. Ayoko nang sumabay sa kanila kaya nauna na akong umalis sa kanila. Sayang nag dahil wala roon si charlie. Hinahanap pa naman ni judith.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home