Saturday, January 21, 2006

Workday And Bonding With Some Apps...

Nakakatuwa dahil nakapag-workday na rin ako as in totoong workday. Kasama ko kanina sina buddy grace, famay, franze, ronalyn (buddy ni JR), ean at rachel (buddies ni famay) at irene (buddy ni paul). Siyempre andun rin si aldrin (buddy ni vangie) at inna with boyfriend jeff. Buti an lamang may sasakyang dala si jeff kaya feeling ko mas madali ang trabaho namin.
Inuna naming puntahan ang la salle sa taft. Siyempre konti lang iyong pumasok sa school dahil parang OA naman kung lahat kami pupunta doon. Kaming mga naiwan ay tumambay muna sa isang convenience store sa tabi gn benilde. Tumitingin-tingin kami doon ng makakain. Meron doong fish crackers pero lobster. Names nila ay "Chabi" at "Lobsy". Di ba naman sobrang creative? So chabi na lang binili nina inna. Pumunta pa nga pala kai sa St. Scho. La lang. Maraming babaeng todo makeup doon. Si naman kagandahan. La lang.
Tapos puntang kaming Wesleyan. nag-ikot-ikot pa kami sa Star City. Di ko alma na hinahanap pala nila ang Arellano e sinabi pa naman namin ni grace na wala iyon sa mismong kalye ng gil puyat kundi sa Taft pa. Nang paikot an ang sasakyan dahil lumampas na kami, bumaba kami ni grace para ihatid ang letter sa MBC. Feelign close pa nga kami sa guard doon. Nang sinundo na nila kami sa labas ng 711, diretso kaming Amang Eulogio. Kakaiba nga dahil wala raw silang contact # na pwedeng tawagan. May isa pang eskuwelahan doon ang nilagpasan namin. Nakita namain ang ospital ng school pero iyong school mimo ay nasa Pureza pa raw.
E nagutom na kami kaya naghanap na lang kami ng makakainan. Sa KFC dapat kami kakain e may kasama kaming allergic sa manok kaya nag-Chowking na lang kami. Medyo bad trip nga dahil hindi ko nagustuhan ang pagkain doon. Birthday nga pala ni ean na ap na buddy ni famay. Happy bday.
After kumain, bumalik kaming taft parta maghatid pa ng ibang sulat. Kailangan nang umuwi ni rona so ibinaba na siya sa tapat ng masagana sa Kalaw. la lang.
Next destination, Quiapo. Nagpaturo pa nga kami sa mga guards ng iba't ibang school kugn paano pumunta sa ibang schools, e. Dumaan pa kami ng N.U. Malapit lang pala siya. Sa tapat ng UST pasukin mo lang ang mga kanto doon. First timers kaming lahat doon kaya medyo nakakatuwa. Sa MLQU, malalandi pala ang mga tao. Nakalagay sa entrance: Speak In English. Siyempre nag-English naman kami ni grace. Ang reply naman ng mga guards Tagalog. So unfair...
Habang napadaan kami sa kanina sa mendiola, parang gusto kong bumaba para puntahan si judith sa sa First Strip para mag-videoke. Libre, e. Pero siyempre nakakahiya namang iwanan sila dahil di pa tapos ang trabaho namin.
May mga letters sa schools sa Recto pero hindi namin naibigay dahil masyadong matraffic sa daan. Mahihirapan makalabas ang sasakyan so baka ipahatid na lang namin kay judith. Malapit lang naman siya doon, e.
Balik kaming Sampaloc para maghatid ng letter sa Perpetual. Feeling ko lang mas matino pa ang pagkain sa canteen doon kaysa sa Chowking. Tapos tuloy na kami sa PSBA. Nag-feelign close pa nga kami sa guard para magpaturo ng daan. Pero parang di niya rin alam, e. Siyempre nag-food trip pa kami roon. Pusit daw iyon na parang kwek-kwek. Masarap naman in fairness.
Hapon na kaya iyong Dominican College na lang ang pinuntahannamin, Dumaan pa kami sa simbahan at nagkataong may kinakasal. Kaunti pa lang naman ang tao pero andun na iyogn ilang flower girls at bridesmaids. Sa totoo lang, nakakahiya nga kina inna at jeff. Dapat hanggang 1 lang talaga kami dapat dahil ipapakilala yata ni jeff si inna sa parents niya according kay franze. E alas tres na yata iyon. So di ba medyo dyahe na.
Sa haba ang pag-iikoy-ikoy namin, nakakapagod talaga as in. Tapos marami pa sa kanila sarado ang mga departments dahil sabado kaya puro pa-receive na lang kami sa mga guards. kaya iyon nagkayayaan nang umuwi. Si grace kailangan pang bumalik sa school. Buti na lang sina inna at jeff punta pa sa asunken. (Ano kaya gawin nil dun??) Kami naman nina famay, franze, ean, rachel at irene ay nagpunta sa SM North. Nag-videoke kai at for teh first time kinanta ko ang "Love Of My Life" ng Queen. Sobrang favorite ko angs ong an ito at feelign ko ito ang pinakabitter song ever written (in fairness sa "We Belong Together" ni Mimi).
Siyempre pag-uwi sabay kami ni famay. Kailangan ko pa kasing ibigay ang letter para sa New Era, e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home