Monday, January 23, 2006

S-"wet" Dreams

Natatawa talaga ko ngayon. Noong linggo kasi habang oras ng Star In A million medyo nagkukunwari akong tulog pero alam mo iyong gising an gising ang diwa mo. May iniisip akong mga gusto kong mangyari in the future. E sabi nila, ang huling bagay na iniisip mo bago ka matulog ang madalas mong napapanaginipan.
Ang nangyari, ibang iba talaga ang naging panaginip ko. Alam mo iyon tipong out of nowhere sumulpot ang taong ito. Hindi ko talaga ineexpect sa totoo lang. Napanaginipan ko na siya before pero alam mo iyon wala lang. Ang bagong panaginip ko ay may kasamang landi. Kurutin ba naman ang puwet ko. Buti an lang ginising ako dahil sa tawag ni judith. Niligtas niya ako mula sa isang napipintong bangungot na sisira sa aking puri. Heheheh.
Pinagpawisan talaga ako dahil sa sobrang nakakadiri. Kinikilabutan ako sa taong ito. Ang landi landi pa naman niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home