Monday, January 23, 2006

Kahit minsan lang sana

usual Monday lang pero alam mo iyon tipong kahit paano unique. Kasabay ko sina isay at carmel pauwi. matagal ko na kasing hindi nakakasabay ang dalawa, e. So dahil nagugutom ako, niyaya ko silang kumain sa McDo. Buti na lamang dala ko ang aking ampaw. Napakaaliwalas ng paligid lalo na nang pinatugtog ang "Heartbreaker" at "Breakdown" ni Mimi. Parang gusto ko nang mag-mcdo araw araw sa hi-way.
Nang patapos na kaming kumain, nakita namin si dianne. Kakaiba kasi wala si ace. Baka nagkatampuhan pa dahil dati sinabi ni dianne na may tampuhan ekek sila. Nakakahiya magtanong baka sabihing pakialamero masyado. Magtatake out lang daw siya pero feeling ko matatagaln pa iyon dahil medyo mahaba ang pila. So umalis na kaming tatlo.
Bye.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home