Friday, February 17, 2006

Talunan man sila, napanalunan nila ang puso ko

Sorry naman sa club kung di dumating ang projector kahapon. Actually, akala ko kasi si isay ang nakikipag-usap kay joemyl tungkol sa paghiram ng projector. Si isay asi ang nanghiram kay joemyl for this wizard so kahiya naman kung makikisawsaw ako sa usapan nilang dalawa. E dry run pa naman sana kahapon. Sayang naman. Sa totoo lang, kinabahan ako na baka nahold-up siya habang dala iyung projector. E kailangan na talaga natin. So di ba mahirap maghanap yata at mas magastos pa. So buti na lang nakausap ko siya kagabi at sorry daw dahil nakalimutan niya. Ang kapal naman ng mukha ko para awayin siya e ako na nga ang humihingi ng pabor. Dadalhin niya na lang daw ngayon. Before 830 daw ero wala siya. Di ko naman siya ma-contact. E kagabi lamang may kasunduan kami nina juith, leslie at saka na rin ni jhayee na manonood kami ng interclass volleyball game nina charles sa gym nang 10-12 noon. Sa totoo lang, may class ako nang 10-11:30 pero pwede akong mag-sit-in sa 1:00 oclock na class since iisa lang naman iyong attendance sheet na umiikot sa VLC. So pwede talaga akong manood. May class rin ako nang 8-9 kanina ng EEE 35 pero hinintay ko si joemyl para sa projector e ayoko naming maiwan doon nang mag-isa dahil kapag ako na ang magsasara, di ako marunong. Hehehehh. Hindi na nga ako nakapasok sa class ko. Si daine naman niyaya ko na rin na manood ng volleyball. Nangako nga ako na dadaanan ko na lang siya nang 9:30.
Ang matinding twist sa story: nakasalubong ko si Judith sa FC. Kukunin niya raw ang sapatos niya para sa social dance class sa tambayan. So sinabayan ko na siya papuntang vanguard. 9-10 ang class niya dun at 10-11 naman ang kina jhayee sa gym. Sumama na rin si james from their sociual dance class na buddy ni buddy grace. Tinext ko na alng si daine na dumiretso na lang siya sa gym e hindi naman siya nakarating.
So nanood na nga kami ng volleyball. Siyempre kampi sina jhayee at charles dahil classmates sila. Akala ko nga hindi kasama si jhayee sa first 6 kaya nagulat ako nang makasama siya bilang 1 of the first 6. Ang tangkad pala ni charles at gwapo talaga pag malayo. May kakampi nga silang bakla na kahugis ni jhayee. In short, bilugan rin. Hehehehh. Lahat sila naka-maroon shorts except charles na nakaitim. Why kaya? Feeling superstar? Joke lang. Hahahahh.
Kaming apat nina Judith, james at leslie ay nag-ala commentator habang nanood ng game nila. Tumaba pa nga sa amin si jason pascual na natutulog. In fairness, doon kami sa side ng basketball courts nakaupo. Malayo talaga as in. Ang galing nga pala ni charles mag-volleyball. Sabi niya kasi dati sa akin, naglalaro daw siya sa seminaryo. Pati na rin siyempre ng basketball. Seminarista talaga magaling basta may invole na bola. Okey rin naman si jhayee. La lang. Sayang nga lang dahil natalo sila ng two straight sets as in straight talaga. In fairness, hindi naman sila nagmukhang kaawaawa. Kung papanoorin mo sila, makikita mo talaga ang effort nila na subukang i-save ang bawat bola an tinitira ng kalaban. At higit sa lahat, may puso talaga silang lumaban. Andun iyong spirit. Talunan man sila, napanalunan nila ang puso ko. Suwerte nila. Kahit bigo silang magwagi sa laro, at least they did their best. Iyon naman ang importante, e.
At dahil may class si leslie nang 11:30, umalis na kami. Sinubukan nga naming yayain si jhayee e nagpaiwan pa. Bonding pa sila ng kanyang mga classmates. So punta na kaming math building. La lang.
Sinabi rin pala ni alloy na andun na daw iyong projector sa tambayan at nagagamit niya. Thanks joemyl. Sobra talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home