Monday, February 13, 2006

Dating Game para sa mga tigang

Grabeh in fairness may bago na naming kalandian ang org. Dating game ba naman? Feelign ko para talaga iyon sa mga tigang at bitter. Thanks for being so thoughtful. So ayun na nga. Siyempre nagsimba muna kami sa chapel para sa kalandian period na, medyo cleansed na from sins. Sa totoo lang, medyo naninibago ako. Matagal na akong hindi nagsisimba sa catholic church. Since baccalaureate mass noong hogh school, nasundan lamang ito ng isang simbang madaling araw. After noon, wala na. Hindi kasi ako naniniwala na ang catholic church ang true church ni God. Sa aspetong idolatry pa lang, mali na sila. Anyways, let’s move on bago ako mapaaway or something.
After ng misa, punta na kami sa church of the risen lord kiosk. Doon ginanap ang Christmas party last year so hindi na ako medyo nanibago. Nakakaexcite naman at medyo nakakakilig ang mga tanong sa searchees. So Adrian-shally at nikki-sancho ang winning heart-to-get couples. Sa true-to-life couples naman, sina gelaide at hans ang nanalo. In al fairness, nanalo rin ako s acomplete the heart ek-ek at ang partner ko ay si daine. La lang. Feeling ko ang sama ng tingin sa akin ni jayr. Feeling ko lang naman, e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home