Apps' Party 05-B
Kahapon nga exam ko sa EEE23. No comment na alng sa exam. Nang palabas na, dire-diretso na akogn lumabas ng VLC. May atraso kasi ako kay karen kaya nagtatago talaga ako. Nakita ko nag sina ja at mark at iniwanan ko sila dahil di ko alam na sasama pala sila sa apps' party. So siyempre nakakahiya naman sa mga taong naghihintay sa akin sa tambayan. Makikisabay lang kasi ak kina aloy, grace, carmel, judith at marvy. Si aloy pala ay makikipagkita na lang sa smin sa ayala dahil may tutorial siya ngayon. Andun nga sa tambayan si onin pero may exam siya nang hapon. Si gelaide naman hihintayin pa si hans na may exam. Si aris naman may lakad daw with family sa batangas. Si marvy medyo hinintay pa namin at siyempre si judith paa-late pa rin. Alam ko kasi punta siya sa divisoria nang umaga. Tapos nagpahintay rin pala sa Quezon Ave station ng MRT.
Pagdatign sa ayala, hinanap pa namin si aloy. so di ba bumili pa nga ako ng marble ring sa juli's bakeshop. Favorite ko iyon, e. Saka di pa rin me nagmemeryenda. In fairness, nakita rin namin si aloy pero kasama niya rin pala si jhayee. How sweet naman sa kanilang dalawa...
So nag-bus na nga kaming lahat papuntang Alabang kung saan dadaanan namin ang tatlogn sticks na sina wawo, dudubs at lucky. In fairness, iyong shorts ni wawo flowered talaga at red pa. Medyo nawala pa nga kami, e. La lang. nang pasakay na ulit kami ng bus papuntang Turbina dahil imi-meet namin si leslie, medyo nadisappoint pa sa ami ang kundoktor. Akala raw niya kasi malayo ang pupuntahan namin e tipong pinag-aagawan pa nila kami ng ibang buses doon dahil marami nga kami.
Pagbaba namin sa turbina, as usual late si leslie. E kasi naman nanood pa raw siya ng Little Big Star. Paimportante talaga. Siya pa naman ang medyo nakakaalam sa lugar. So naghintay pa kami sa 7-11. Si dudubs nga nag-slurpee pa. Iniisip nga ng iba refillable. Dios mio! E di naghirap naman ang may-ari nun. E P5 lang ang binili nila. Medyo nakakahiya nga na nakatambay lang kami doon sa store. Siyempre matagal pa kaming naghintay doon kaya nag-ice cream on a stick na lang ako. Fave ko iyong cookies 'n cream. Kahit sobrang late na kami para sa 7PM na start, at least kasama namin si aloy. Siyempre memcom head kaya hindi pa magsisimula hangga't wala siya.
At last, dumatign an rin si leslie. Nakasakay siya sa jeep at pinasakay niya kami. Akala ko naman libre niya kami pala ang magbabayad. E sa sobrang dami namin, medyo kandungan na at si jhayee nakasabit na. Sabi niya macho daw isya so patunayan niya, di ba? Nakakatakot lang dahil baka mahulog siya or something.
Sobrang dilim na talaga kaya kinontrata na ni leslie si mamang driver na ihatid na kami sa mismong venue ng party at baabyaran na lang namin. Pumayag naman si kuya.
Habang bumibiyahe, may mga lalaking nagpupublicize ng private pools or the like. ganun pala iyon. So ganun na nga. Nakita pa namin si vangie na nakasakay sa tricycle. Tinawag pa nga si lucky ng tricycle driver.
Nang makarating na kami sa Water Springs kugn saan makikipagtapo kami sa apps na dapat ay susundo sa amin, nakita namin sina salve at james. Siyempre medyo swimming attire na sila. Hinintay pa nga namin si vangei para sumabay na sa amin e hindi namin siya makita so dumiretso na kami.
Pagdating sa place, ang dami na palang tao. Andun sina ate vey, kuya ronnie, ate dang, jay, len, daine, JR, damark, adrian, vangie, gelo, chris, mk, franze, famay, daniel, nikki, inna, jeff at siyempre ang apps. Maya-maya lang dumating na sina erwin at jown at kugn sinuman iyon kasama nilang lalaki. In fairness,nakakain at kumakain na sila. Hindi na nga ako nakakain ng kanin dahil wala nang ulam. Konting papak na lang ng barbecue at hotdog with marshmallow on a stick. In all fairness, may ice cream sila na avocado flavored. Isama mo pa ang mala-Aegis na birit ni janis. namiss ko tuloy si janis. Tapos nagsimula na silang magtulakan sa pool. Si jay nga pumutok pa ang noo. Hay naku! Si erwin nga pinipilit akong itulak sa tubig e naka-sandals ako kaya di niya ako matulak. In fairness, nandun siya kahit invisible siya sa mga workdays. Di pa niya binabalik ang cd ko sa kanya na matagal na talagang hiniram. Kapal ng taba ni tatang@@
Tapos nag-start na ang program nila. La lang. Okey naman. Nang mag-start na iyogn awardings nila kuno, medyo na-excite ako dahil feeling ko may at least isang na amgfifit sa charcater ko. E iyong ibang winners like famay itinulak sa pool. Problema hindi marunong lumangoy si famay. Kawawa naman. Nang cheerfulness award na, medyo nabuhayan ako ng loob. Na-disappoint lang ako dahil hindi ako nanalo. Isipin mo naman kugn si franze cheerful, ano pa ako? Parating depress? Anyways okey lang naman sa akin iyon kasi opinyon nila iyon. Nang tinawag na ako, medyo naiyak ako dahil feelign ko grammy moment na siya. Tipong "mimi got a grammy after 15 years of drought" effect. E ayokong ihulog doon or something dahil hindi rin ako marunong magswimming. So umikot na lang ako pababa. Nang malapit na ako sa stage, hinahatak ba naman ako ng kung sinuman doon. mabuti na lamang may nakapitan ako kaya hindi nila ako nahatak. Nang pababa na ako, hindi na ako nakakapit. So nahulog na talaga ako.
Sa ilalim ng tubig, sobrnag feeling ko napunta ako sa ibang world at nagfloat doon. Nang mayroon na akong naapakan, triny kong itulak ang sarili ko maitaas. Pero hirap pa rin ako dahil mataas ang tubig sa bahaging iyon ng pool. Naitapon ko tuloy ang award ko na di ko alam kung ano. Siyempre todo react naman ako. Nakakaasar ;ang na natutuwa sila sa ganoon na di naman talaga nakakatuwa. Natatakot lang akong mamatay dahil paano na si @@@@@@ pag wala na ako? Konti na nga lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo. Tapos ang sabi ko pa sa parents ko na hndi ako magsuswimming at hanggang lakad lang sa tubig. Isipin pa nila namatay ako dahil matigas ang ulo ko. Dios mio!! Ayan tuloy pinagalitan sila ni aloy. Buti nga! Akala nila nakakatawa sila…
As usual, evaluation pa ng memcom. Medyo mahaba-haba rin iyon. Dumating na nga sina gelaide, hans, april at isay. Dumating rin pala si kamille at si katz with her brother(?). Dahil nabasa na ako, triny ko nang magbabad pero doon lang malapit sa edge ng pool. Saka sumama rin ako doon sa mga marurunong lumangoy para in case of emergency...
Nakakainip lang dahil gusto ko nang kumanta. Excited talaga kogn kantahin angMr. Dreambiy dahil talagang iniaalay ko iyon sa isang tao. Nakakakilig talag. Grabehh 1:30 na yata sila natapos. Nabawasan tuloy kanta ko. Nawala na nga iyong listahang inihanda ko dahil nasa bulsa ko noong hinulog ako sa pool. Sayang nga lang dahil wala ang “SWAY” ni michael buble. Gusto ko siyang subukang kantahin. Siyempre todo kanta naman ako.
nang siguro mag-5 na at turn ko na para maligo sa kuwarto sa itaas, nawalan ng tubig. Dios mio. E sa baba wala na ring tubig sa gripo. Kinailangan ko pang mag-igib sa drum. Habnag naliligo namana ko, naririnig ko na plinay na iyong “Ikaw Lamang” na sana’y iduduet naming isay na naliligo na rin sa tabi kong room. Sayanag di ko alam ang lyrics. Tapos nagmamadali na rin akong magbihis. hanggang 6 lang daw sila, e. Pero bago kami umalis, humirit pa kami for the last time.
Sina Judith at gelo, sumabay kina nikki. Sina jhayee at leslie sumabay kina jeff. So naglakad na alng kami hanggang labasan. Actually, may chineck pa ga sina gelaide na resort par asana sa semender. Sana matuloy…
Di ko na alam kugn sinu-sino ang mga kasabay ko pauwi. Basta naaalala ko sina dudubs at wawo bibili pa raw ng bukopie. Naaalala ko rin na sa bus nakasabay ko sina hans, gelaide, carmel, rubie, grace, jamark at isay. Si carmel, grace at rubie sa magallanes bumaba. Ako at isay with jamark sa buendia-taft. Sina gelaide at hans di ko alam dahil nauna kami sa kanilang bumaba, e.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home