I Had Fun Last Night With...
Galing kasi ako sa overnight kina gelaide. Nagkayayaan kasing mag-Star City at kasama n rin ag overnight kina gelaide. Sayang naman kung hindi ako sasama dahil may coupons si hans na may 5 free rides at P60 para sa entrance lang ang babayaran. Siyempre pinatapos pa ang BOD meet bago umalis. Kasama sina carmel, gelaide, hans, isay, judith, gelo dudubs, april, adrian, wawo, jhayee, leslie at james(app), punta kami sa vinzons para doon sumakay ng jeep papuntang philcoa. Humiwalay sa amin sina dudubs, jhayee at adrian. Dapat nga sasama si dudubs pero mas pinili niya sina JE at adrian. Iniwanan kami para sa dalawang lalaki? Sana naman nabusog siya. Si wawo naman dumiretso sa hi-way habang kaming lahat ay bumaba sa philcoa para sumakay ng jeep papuntang taft. Nakita pa nga namin sina oj at ayeth sa faura naglalandian. Joke lang. Tapos sakay kami ng jeep papuntang vito cruz para imeet sa jollibee sina aris at mike na earlier ay napadaan sa cartimar para may bilhing something. Doon na rin kami kumain. Sumama si mike dahil andun rin daw ang ate niya samantalang si aris ay umuwi na. So eleven na lang kaming lahat na natuloy: ako, gelaide, hans, leslie, carmel, gelo, isay, judith, mike, april at james.
Nang andun na kami sa star city, siguro mga 10 o’clock na iyon, nag-bump car muna kami. 11 kami s 10 lang iyogn cars na pwedeng sakyan. Share naman sina hans at gelaide so kaya match lang. Ang problema binabangga nila akong lahat. Di ko rin maintindihan dahil feeling ko ayaw umandar ng car ko. Naalala ko tuloy noong nag-race car kami sa rob noong third year. Sobrang bangga ako nang bangga habang pilit naman akogn inaassist ng kuya doon. So naubos lang ang oras ko sa ganung eksena. Nasayang lang tuloy ang ibinayad for me. Thanks Ralph. So ganun na nga. At least ngayon, banggaan na talaga.
Tapos dumiretso na kami sa Viking. Medyo nakakatakot lang dahil andun ako sa pinakadulo ng isang row ng upuan. Katabai ko pa si leslie baka mapadausdos ako hanggang mahulog.. Tuwign titingin ako sa ibaba, parang medyo nakakatakot na baka mahulog ako. Alam mo iyong paano kung magkaroon ng mga aksidente at madedo ako? Paano na si *&^%$#. La lang. Baka maging isang ghost stalker lang ako na susundan at papanoorin ko siya sa bawat gagawin niya. Wish ko kaya na maging invisible kahit isang araw lang.
Sinubukan rin naming ang Flying Carpet. Medyo mas nakakatakot ito pero mukhang mas exciting. Hindi sumama sina gelaide, carmel at james bagkus ay sila anag kumuha ng pics namin. Si april nga sobrang nangangatog na nakayuko na talaga. Natuluan pa anga ako ng laway ni gelo, e. Sobrang namumula talaga siya. Akala ko nga nasukahan ako, e.
Tapos nagpunta kami sa Lion King. Di ba medyo nakakarelax naman. Nakakaawa nga iyogn mg animals doon dahil inaagiw na talaga nang sobra-sobra. Tapos medyo nababasa pa kami buti na lang naitataas ko nang mabuti ang mga paa ko. Kami pa namain ni say taba ang nasa unahan so kami talaga ang nababasa nang todo-todo kapag pababa na kami sa planck. Triny ko rin intindihin ang kwento dahil di ko talaga alam ang kwento ng the Lion King na movie. Wawa naman ako.
Dahil 5 free rides lang ang coupon namin, panglima namin ang Ice Palace. As usual, malamig siya. Buti na lang, nakasapatos ako. Sobrang ginaw kasi at ang iba ay naka-sandals lang. Kasi nililibag na ang ilang ice sculptures doon, e. La lang. May malalaswa pang sculptures. At least, naubos namin ang 5 free rides before mag-close ang Star city.
Pag labas namin, nagpaalam pa si carmel sa parents niya para mag-overnight kina gelaide. Alanganing oras na kasi at wala pa siyang makakasabay pauwi. Actually, first time niyang mag-overnight dahil hindi raw siya sanay na matulog sa bahay ng iba. Ako nga ngayong college lang nakapag-overnight sa ibang bahay. First yata iyong kina katz last year. Iyong apps' party ni ate vely ay hindi naman ako natulog. So ganun na nga pinayagan naman siya. Si mike sy sumabay na sa ate niya. Si james naman na dapat ay uuwi sumama na rin. Si hans naman ay susunduin ng parents niya mismo sa labas ng star city. Sayang nga dahil di siya pinayagan. Pero pinasakay niya na kami sa FX na tinawag ni gelo. Lahat kaming naiwan ay dumiretso na nga kina gelaide maliban kay gelo na umuwi na. Magkalapit bahay lang naman sila, e.
So kaming lahat: me, judith, gelaide, les, james, carmel at april ay nagtsismisan pa. May mga tao at isyu kaming pinag-usapan. Bumili pa nga sina judith ng chichirya sa tindahan nina gelaide. Tapos, tinawagan pa ni gelaide si deng. Dapat kasi pupunta siya. Ito sana ang una kong pagkakaton para makita siya since grumadweyt siya. E hindi na raw tutuloy dahil hatinggabi na pasado. Nagpasahan na lang kami ng phone at nakausap ko naman siya. Lahat talaga kami kinausap niya pati ang app na si james na di pa niya nakikilala. Di ko an alam kung anong oras ako nakatulog naaalala ko lang 5:30 nang magising ako, nag-uusap pa sa phone sina deng at james. Todo bonding ba ito?
Kanina siyempre, doon na kami nag-breakfast. Naligo pa nga sina leslie at isay. Nanood pa kami ng Power Rangers Wild force. Katuwa naman, di ba? Mula sa LRT, ako nang mag-isa ang umuwi. Pupunta pa kasi ang iba sa school para sa road painting e hindi talaga ako pwede. Dapat pagdating ng family sa bahay, andun na ako. Wala pa ring nagpapakain sa aso namin. Sorry po!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home