Sunday, June 04, 2006

Si geladie nagtatae!!

Nanggaling ako sa España kanina kasama sina dith at april para umattend ng isang seminar. Ito ay para mag-proctor sa isnag pre-board nursing exam ng isang review center. Kasama nga dapat si gelaide e nagkaroon ng amoebiasis popularly known as pagtatae so hindi na siya nakapunta. Pero nilagay pa rin namin ang pangalan niya.
Actually sa tuesday at wednesday pa ang exams pero kailangan daw pumunta ng seminar para turuan kami kung ano ang gagawin namin.
Hindi siya katulad ng ineexpect ko n tipong wizard lang na magbabantay ng isnag classrom na may 40 examinees. May mga formal procedures na kailangan gawin dahil ang pre-board na ito ang magsisilbing preparation nila para sa nalalapit na board exam. Isang proctor nga rin lang per classroom contrary sa iniisip ko na at least 2 pero room. Kinailangan pa naming magpa-xerox ng 1X1 id pic para sa ibibigay sa aming ID.
Si mar nga pala ang nagbalita sa amin tungkol dito sa raket na ito. May bayad naman e. Maliit nga lang pero at least meron. wala namang ginagawang makabuluhan sa bahay. sayang ang pagkakataong makaipon ng pera para sa binabalak naming lakwatsa sa Mall Of Asia.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home