I Want To Be Invisible
Naisip ko lang na medyo lahat naman tayo makakarelate sa mutants. We are all unique. May kanya-kanyang powers at taelnts na dapat ma-discover natin. At saka iyong love, ewan ko ba pero di ba dapat minamhal mo iyong tao despite his imperfections? Lahat naman tayo imperfect. Nasa sa atin na lang kung paano siya titingnan as a strength or weakness. Kung mahal mo siya, dapat mahal mo kabuuan niya hindi isang aspeto lang ng pagkatao niya. Paano kung nawala na ang nagustuhan mo sa kanya, hindi mo na sya mahal?
Actually, ang pinakagusto kong power sa kanilang lahat ay iyogn kay Storm, ability to control the weather. Noong bata pa kasi ako siyempre gusto kong parating walang pasok sa eskwela. Parang ang sarap yata ng feeling na kontrolin ang panahon. Tipong pauulanin mo nang malakas para walgn pasok. Naalala ko pa sa cartoons dati na may isang kalaban ang X-Men na tipong hirap na hirap silang talunin. Nagpaulan si storn ng snow at na-freeze ang kalaban. Si Sinister yata iyon.
Kung ako ang tatanungin, ang gusto kong ability ay ang pagiging invisible. Invisibility lang, hindi invincibility. Ewan ko ba. Kung tutuusin parang ang babaw ng powers ko if ever. Pero parang ang sarap yatang mang-stalk ng mga tao para malan kugn ano ang ginagawa nila kapag mag-isa na lang sila. Hindi naman ako makamundo pero pwede na ring gawin ko yon like Hollow Man. Per in fairness, hanggang tingin lang naman ako. No touch maliban na lang kung siya mismo ang magbigay ng motibo. Hehehe. Ano kaya ng feeling na mawala ka sa paningin ng mga tao for a day? May makapansin kaya sa pagkawala mo? May maghanap kaya sa iyo o parang wala lang? At saka parang ang sarap takutin ang mga tao. Pati na rin mag-spy sa mga kaaway mo. Free ka na malaman kung ano ang mga ginagawa nila. Malalaman mo ang kanilang deepest secrets na pwede mong gamitin against them.
Grrrrrrr...
So Cruel...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home