It Hurts
So ayun na nga. Hiramin niya raw ang mimi cds ko. Since kilala ko naman siya at lambchop naman siya pinahiram ko na sa kanya pati ang iba ko pang mimi cds & dvd na laman ng cd wallet ko. Madali naman kasi akong magtiwala. Siguro kahinaan ko na rin iyon.
Tuwing nakakasalubong ko siya, ipinapaalala ko na sa kanya ang wallet ko. Precious kasi sa akin iyon, e. Sasabihin niya nakalimutan niya. may time nga na noong may booth ang MC sa math, sabi niya idadaan daw niya. Sa kadesperaduhan ko nga sabi ko iwan niya na lang sa tindahan ni mang mon. As usual, wala pa rin. Panay paasa, puro pangako.
May mga tao kasing sa halip na tanawing malaking utang na loob na nagtiwala ka sa kanila, gagamitin pa nila iyon against you. Sa halip na ibalik agad makuha ang pakinabang sa bagay na pinahiram mo, aangkinin na nila. Tipong wala man lang intensyon na ibalik sa iyo. Pag kukunin mo, dadaanin na lang sa biro. Nakalimutan daw o kinalimutan talaga? Mahina ang memorya ko pagdating sa mga pag-aari ko na pinahiram ko. Kung ikaw nanghiram, sana naman maalala mo at magkusa kang ibalik sa may-ari. Responsibilidad mo iyon. Hindi ka kailangan ipaalala sa iyo na ang hiningi mong pabor ay hiram lang at hindi hingi. Ang kapal ng mukha mo. Ikaw na nga ang pinagbigyan, magpapaka-hard-to-get ka pa! Primadonna!!!
Saan ka namn nakakita nanghiram ng cds isang taon nang mahigit hindi pa naibabalik? Sa ibabalik daw agad, ibeburn niya lang. Naghalo na nag balat sa tinalupan, nasaan na ang katuparan ng pangako niya. Kapag binabawi mo na ang isasagot niya, makabagbag damdaming "Sorry naman". How touching! Siya na nga ang may atraso sarkastiko pa. May matinong tao ba namang ganyan? Tatarayan ka na tipong ikaw ang may dapat ipakiusap sa kanya? KAPALMUKS!
Meron naman hiniram ang LOTR book ko noong summer. Actually binabasa ko pa ulit ang libro noong time na iyon. May lalaki akong nakasabay sa jeep. Close naman kami. Nagchikahan muna. Inissue pa nga ako ka charles, e. Tapos hiniram niya nag LORT book ko. Babasahin daw niya. Kahit binabasa ko ulit ang libro, pinahiram ko na lang sa kanya.
Lumipas ang ilang buwan, nagkita kami sa MRT kasama ang taong mahal niya. Di naman ako nasaktan. Paki ko ba? Na-touch lang ako nang maalala niya na nasa kanya pa ang libro ko at ibibigay niya raw next time. At least naalala niya. Siguro busy lang talaga kaya nakakalimutan niya.
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang next time na ipinangako niya. Darating pa kaya si next time??
0 Comments:
Post a Comment
<< Home