Nakatikim Na Ba ng Kinse Años?
Maggagabi na noon. Pauwi na ao galing sa school. 3rd year nga pala ako noon galing sa MASCI. As usual, galing sa Pasay Taft-Rotonda, sumakay ako ng FX. Medyo ngarag ako noon kaya matapos kong magbayad ng pamasahe sa driver, natulog na ako. Doon nga pala ako sa gitna kung saan apat ang pasahero. Sobrang pagod kaya naaalala ko na nakayuko talaga ako as in nakasuksok ang ulo ko doon. Himbing na himbing ang tulog ko noon hanggang may marinig ako a nagkakaskas. As in metal to metal na maingay kaya naman nagising ako. Iniangat ko ang ulo ko at nagkatinginan kami ng driver na nasa labas na ng sasakyan. Actually, papasok na siya noon sa pintuan ng bahay niya. Saka ko lang narealize na nasa bahay na pala ako ng mamang driver. At iyong pagkakaskas ng metal na narinig ko ay ang pagkakandado na pala ng gate ng garahe.
In fairness, may presence of mind pa naman ako noon (kung ganoon nga ang nangyari sa sitwasyon ko). Tinanong ko ang driver kung nasaan na ako. Sabi niya sa Villamor which is in pasay naman na medyo familiar ako. Nag-sorry pa nga siya dahil di niya raw ako nakita. (Sa laki ko ba naman di niya ako nakita?) Siyempre naman di ko na siya inaway. Siguro mga 7 pa lang noon. Nagpaturo na lang ako sa kanya kung paano pumunta sa taft MRT kung saan ako nakasakay ng FX kanina. Sakay raw ako ng tricycle at magpahatid sa sakayan ng dyip. Buti na lang at may extra money ako noon. Sinunod ko ng instructions niya at thankfully, nakarating naman ako nang matiwasay sa Pasay at eventually sa bahay namin.
Nakakatuwa naman talaga ang nangyaring iyon sa akin. Kasi dahil sa pagiging antukin ko, nai-take home ako ng isang fx driver. Iniisip ko na lang na buti ganun lang ang nangyari. Paano kung hindi ako nagising? Nag-overnight na siguro ako sa FX. baka mapagkamalan pa akong magnanakaw. Buti na lang mahal ako ni Lord at nakauwi ako nang matiwasay at buo sa aking pamilya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home