Monday, September 18, 2006

May Rabies Na Kaya Ako?

Grabeh may bago na naman akong kabalbalang ginagawa. nang medyo nanananakit ang katawan ko nitong mga nakaraang araw dahil sa sports fest, napilitan akong uminom ng gamot. Di ko alam kung ano ang gamot na iyon na ininom ko basta mefenamic acid ang generic name niya. Sinabi lang ng nanay ko na nakalagay iyon sa TV.
Nang iinumin ko na matapos akong kumain, kinuha ko na ang gamot at ininom. Di ko na binasa kung ano ang pangalan basta ininom ko na lang dahil wala namang ibang gamot doon.
Tapos, kagabi, tinanong ako ng nanay ko kugn nainom ko ba iyong gamot na sinabi niya. Siyempre umoo naman ako. Pinagsabihan na lang ako na next time daw kung iinom ako ng gamot, basahin ko nang maigi ang label. gamot daw ni miklaus, ang aso namin ang nainom ko. Sabi ko okey lang, buhay pa naman ako. Pero syempre deep inside, napaisip ako. Siguro kaya masama ang timpla ng sikmura ko nitong mga nakaraang araw. Nagtatae ako at madalas sumasakit ang tiyan ko.
Kaya naman, ang aral ng kwento: Huwag susubo ng mga bagay nang basta-basta dahil baka maging aso ka. Heheheh

0 Comments:

Post a Comment

<< Home