Tuesday, July 25, 2006

Dear Heart

Bakit ganun? may mga bagay na gustung-gusto mong gawin. As in super excited ka nga e pero pag dumating na iyong time na pinakaaasam-asam mo, wala ka nang gana. Siguro nakakatakot rin. Pero sa totoo lang, nakakasawa na kasi na parang ganun na lang parati. Puro frustrations tuloy nararamdaman ko. Aminado ako hanggang ngayon nag-aanticipate pa rin ako gn gma mangyayari. Minsan nga nag-iisip na ako ng mga dialogues ko para sa moment na inaasam ko. Tipong sana mag-work as planned ko. Pero hanggang dun na lang yata siguro. Itinatapon na lang basta-basta. Siguro dahil napagod na rin ang puso kong maghintay ng mga pagkakataong wala namang nagyayari. Actually kasalanan ko rin. Marami nang masyadong pagkakataong ibinigay sa akin na pwang pinalampas ko lang lahat para gawin ang mga gusto kong dapat ginawa ko na dati pa. Panahon na siguro para ipahinga ang puso ko.
May you rest in peace, HEART OF MINE.

Wednesday, July 19, 2006

Mall Tour With New Friends(?)

Kanina nagpasama ako kay judith na pumunta sa Market Market. Magpapatulong sana akong pumili ng gift para kay divina. Kahit late na ang gift ko para sa birthday niya noong wednesday, bibigyan ko pa rin. Nakapangako kasi ako na bibigyan ko siya. Na-realize ko lang na di ko pa pala siya nabibigyan ng gift since high school second year noong nagkakilala kami. So todo ako ngayon to the highest level.
E sumunod sa amin ang masipag na suitor ni judith na si royce. nandun na raw siya e nahihiya naman akong makita niya ako na bibili ng gift for someone so bumili muna kami bago makipag-meet. Nag-eenjoy naman yata siya sa arcade, e. Binilhan na rin namin ng stuff toy na DORA si ella. May sakit pa naman ang batang iyon.
Pagpunta namin sa arcade, nalaman ko na kasama rin ni royce si karl na kilala rin ni judith. Niyaya nga kami ni royce na maglaro habang hinihintay si karl na naglalaro rin. E shy type naman ako so tumanggi na lang ako.
Sa wakas, natapos rin si karl at nagkayayaang kumain sa kenny. Siyempre nag-offer si royce na siya na ang magbabayad. Pakipot naman si judith kaya nagbayad na rin ako. Sayang namn. Anyways, nilalandi naman ako ng dalawang lalaki.Si karl iuwi ko raw siya sa bahay namin dahil nasabi kong sa taguig lang ako nakatira which is malapit lang sa market. Okey lang siya? Si royce naman makiki-ovenright raw sa amin? Parang may napanood yata siyang pelikula na alam ko, e. Sori naman di sila kasamba-samba.
Naunang umalis si karl dahil nag-ikot-ikot pa kami doon sa mga stores. Nagpabili pa nga si judith ng cap,e. Maganda nga ang cap, ang nagsusuot belat lang. Wala ring effect. heheheh.
Iniwanan ko na sila sa terminal ng taxi dahil marunong na raw silang dalawa. At ako umuwi na as usual ay nag-iisa ulit. Kelan kaya ako uuwi nang may kasabay?!?!

I Want To Be Invisible

Nanood kami kagabi ng X Men III: The Last Stand sa Film Center. In fairness, medyo naapreciate ko siya kahit wala akong napanood sa 2 movies nito dati. familiar naman ako sa animated series, e.
Naisip ko lang na medyo lahat naman tayo makakarelate sa mutants. We are all unique. May kanya-kanyang powers at taelnts na dapat ma-discover natin. At saka iyong love, ewan ko ba pero di ba dapat minamhal mo iyong tao despite his imperfections? Lahat naman tayo imperfect. Nasa sa atin na lang kung paano siya titingnan as a strength or weakness. Kung mahal mo siya, dapat mahal mo kabuuan niya hindi isang aspeto lang ng pagkatao niya. Paano kung nawala na ang nagustuhan mo sa kanya, hindi mo na sya mahal?
Actually, ang pinakagusto kong power sa kanilang lahat ay iyogn kay Storm, ability to control the weather. Noong bata pa kasi ako siyempre gusto kong parating walang pasok sa eskwela. Parang ang sarap yata ng feeling na kontrolin ang panahon. Tipong pauulanin mo nang malakas para walgn pasok. Naalala ko pa sa cartoons dati na may isang kalaban ang X-Men na tipong hirap na hirap silang talunin. Nagpaulan si storn ng snow at na-freeze ang kalaban. Si Sinister yata iyon.
Kung ako ang tatanungin, ang gusto kong ability ay ang pagiging invisible. Invisibility lang, hindi invincibility. Ewan ko ba. Kung tutuusin parang ang babaw ng powers ko if ever. Pero parang ang sarap yatang mang-stalk ng mga tao para malan kugn ano ang ginagawa nila kapag mag-isa na lang sila. Hindi naman ako makamundo pero pwede na ring gawin ko yon like Hollow Man. Per in fairness, hanggang tingin lang naman ako. No touch maliban na lang kung siya mismo ang magbigay ng motibo. Hehehe. Ano kaya ng feeling na mawala ka sa paningin ng mga tao for a day? May makapansin kaya sa pagkawala mo? May maghanap kaya sa iyo o parang wala lang? At saka parang ang sarap takutin ang mga tao. Pati na rin mag-spy sa mga kaaway mo. Free ka na malaman kung ano ang mga ginagawa nila. Malalaman mo ang kanilang deepest secrets na pwede mong gamitin against them.
Grrrrrrr...
So Cruel...

Wednesday, July 05, 2006

TL ako sa iyo

Gusto ko lang ishare ang isang funny experience ko kanina sa MRT. Nagpunta kasi ako sa SM North at ako mag-isa ang nag-MRT pauwi.
Sa sobrang pagod, nakatulog ako sa MRT. Dalawang tren pa kasi ang lumampas bago ako nakasakay. Siguro mga past 8 na iyon. Nanaginip pa nga ako pero di ko nasasabihin kung sino siya. Basta naramdaman ko na lang an tutulo ang laway ko kaya sinubukan kong higupin pero it's too late na. Hindi ko na nahabol. So nahulog na siya. Nakayuko ako noon kaya pagtaas ng ulo ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Kaya naman feelign ko nakita niya ang TL moment ko.
Kaya kinuha ko na lang iyong towel ko at ipinunas sa bag ko na tinuluan ng laway ko. tapos nagtulug-tulugan ulit ako hanggangbumaba ako. Naaalala ko pa naka-UP shirt pa ako. Sana lang hindi niya nakita.