Sunday, March 26, 2006

Apps' Party 05-B

Dapat magpapagupit ako ngayon pero bukas na lang daw sabi ng nanay ko. So nag-internet na lang ako ngayon kaya nga nag-blog na lang ako. Medyo ngarag pa nga dahil sa puyat sa apps' party.
Kahapon nga exam ko sa EEE23. No comment na alng sa exam. Nang palabas na, dire-diretso na akogn lumabas ng VLC. May atraso kasi ako kay karen kaya nagtatago talaga ako. Nakita ko nag sina ja at mark at iniwanan ko sila dahil di ko alam na sasama pala sila sa apps' party. So siyempre nakakahiya naman sa mga taong naghihintay sa akin sa tambayan. Makikisabay lang kasi ak kina aloy, grace, carmel, judith at marvy. Si aloy pala ay makikipagkita na lang sa smin sa ayala dahil may tutorial siya ngayon. Andun nga sa tambayan si onin pero may exam siya nang hapon. Si gelaide naman hihintayin pa si hans na may exam. Si aris naman may lakad daw with family sa batangas. Si marvy medyo hinintay pa namin at siyempre si judith paa-late pa rin. Alam ko kasi punta siya sa divisoria nang umaga. Tapos nagpahintay rin pala sa Quezon Ave station ng MRT.
Pagdatign sa ayala, hinanap pa namin si aloy. so di ba bumili pa nga ako ng marble ring sa juli's bakeshop. Favorite ko iyon, e. Saka di pa rin me nagmemeryenda. In fairness, nakita rin namin si aloy pero kasama niya rin pala si jhayee. How sweet naman sa kanilang dalawa...
So nag-bus na nga kaming lahat papuntang Alabang kung saan dadaanan namin ang tatlogn sticks na sina wawo, dudubs at lucky. In fairness, iyong shorts ni wawo flowered talaga at red pa. Medyo nawala pa nga kami, e. La lang. nang pasakay na ulit kami ng bus papuntang Turbina dahil imi-meet namin si leslie, medyo nadisappoint pa sa ami ang kundoktor. Akala raw niya kasi malayo ang pupuntahan namin e tipong pinag-aagawan pa nila kami ng ibang buses doon dahil marami nga kami.
Pagbaba namin sa turbina, as usual late si leslie. E kasi naman nanood pa raw siya ng Little Big Star. Paimportante talaga. Siya pa naman ang medyo nakakaalam sa lugar. So naghintay pa kami sa 7-11. Si dudubs nga nag-slurpee pa. Iniisip nga ng iba refillable. Dios mio! E di naghirap naman ang may-ari nun. E P5 lang ang binili nila. Medyo nakakahiya nga na nakatambay lang kami doon sa store. Siyempre matagal pa kaming naghintay doon kaya nag-ice cream on a stick na lang ako. Fave ko iyong cookies 'n cream. Kahit sobrang late na kami para sa 7PM na start, at least kasama namin si aloy. Siyempre memcom head kaya hindi pa magsisimula hangga't wala siya.
At last, dumatign an rin si leslie. Nakasakay siya sa jeep at pinasakay niya kami. Akala ko naman libre niya kami pala ang magbabayad. E sa sobrang dami namin, medyo kandungan na at si jhayee nakasabit na. Sabi niya macho daw isya so patunayan niya, di ba? Nakakatakot lang dahil baka mahulog siya or something.
Sobrang dilim na talaga kaya kinontrata na ni leslie si mamang driver na ihatid na kami sa mismong venue ng party at baabyaran na lang namin. Pumayag naman si kuya.
Habang bumibiyahe, may mga lalaking nagpupublicize ng private pools or the like. ganun pala iyon. So ganun na nga. Nakita pa namin si vangie na nakasakay sa tricycle. Tinawag pa nga si lucky ng tricycle driver.
Nang makarating na kami sa Water Springs kugn saan makikipagtapo kami sa apps na dapat ay susundo sa amin, nakita namin sina salve at james. Siyempre medyo swimming attire na sila. Hinintay pa nga namin si vangei para sumabay na sa amin e hindi namin siya makita so dumiretso na kami.
Pagdating sa place, ang dami na palang tao. Andun sina ate vey, kuya ronnie, ate dang, jay, len, daine, JR, damark, adrian, vangie, gelo, chris, mk, franze, famay, daniel, nikki, inna, jeff at siyempre ang apps. Maya-maya lang dumating na sina erwin at jown at kugn sinuman iyon kasama nilang lalaki. In fairness,nakakain at kumakain na sila. Hindi na nga ako nakakain ng kanin dahil wala nang ulam. Konting papak na lang ng barbecue at hotdog with marshmallow on a stick. In all fairness, may ice cream sila na avocado flavored. Isama mo pa ang mala-Aegis na birit ni janis. namiss ko tuloy si janis. Tapos nagsimula na silang magtulakan sa pool. Si jay nga pumutok pa ang noo. Hay naku! Si erwin nga pinipilit akong itulak sa tubig e naka-sandals ako kaya di niya ako matulak. In fairness, nandun siya kahit invisible siya sa mga workdays. Di pa niya binabalik ang cd ko sa kanya na matagal na talagang hiniram. Kapal ng taba ni tatang@@
Tapos nag-start na ang program nila. La lang. Okey naman. Nang mag-start na iyogn awardings nila kuno, medyo na-excite ako dahil feeling ko may at least isang na amgfifit sa charcater ko. E iyong ibang winners like famay itinulak sa pool. Problema hindi marunong lumangoy si famay. Kawawa naman. Nang cheerfulness award na, medyo nabuhayan ako ng loob. Na-disappoint lang ako dahil hindi ako nanalo. Isipin mo naman kugn si franze cheerful, ano pa ako? Parating depress? Anyways okey lang naman sa akin iyon kasi opinyon nila iyon. Nang tinawag na ako, medyo naiyak ako dahil feelign ko grammy moment na siya. Tipong "mimi got a grammy after 15 years of drought" effect. E ayokong ihulog doon or something dahil hindi rin ako marunong magswimming. So umikot na lang ako pababa. Nang malapit na ako sa stage, hinahatak ba naman ako ng kung sinuman doon. mabuti na lamang may nakapitan ako kaya hindi nila ako nahatak. Nang pababa na ako, hindi na ako nakakapit. So nahulog na talaga ako.
Sa ilalim ng tubig, sobrnag feeling ko napunta ako sa ibang world at nagfloat doon. Nang mayroon na akong naapakan, triny kong itulak ang sarili ko maitaas. Pero hirap pa rin ako dahil mataas ang tubig sa bahaging iyon ng pool. Naitapon ko tuloy ang award ko na di ko alam kung ano. Siyempre todo react naman ako. Nakakaasar ;ang na natutuwa sila sa ganoon na di naman talaga nakakatuwa. Natatakot lang akong mamatay dahil paano na si @@@@@@ pag wala na ako? Konti na nga lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo. Tapos ang sabi ko pa sa parents ko na hndi ako magsuswimming at hanggang lakad lang sa tubig. Isipin pa nila namatay ako dahil matigas ang ulo ko. Dios mio!! Ayan tuloy pinagalitan sila ni aloy. Buti nga! Akala nila nakakatawa sila…
As usual, evaluation pa ng memcom. Medyo mahaba-haba rin iyon. Dumating na nga sina gelaide, hans, april at isay. Dumating rin pala si kamille at si katz with her brother(?). Dahil nabasa na ako, triny ko nang magbabad pero doon lang malapit sa edge ng pool. Saka sumama rin ako doon sa mga marurunong lumangoy para in case of emergency...
Nakakainip lang dahil gusto ko nang kumanta. Excited talaga kogn kantahin angMr. Dreambiy dahil talagang iniaalay ko iyon sa isang tao. Nakakakilig talag. Grabehh 1:30 na yata sila natapos. Nabawasan tuloy kanta ko. Nawala na nga iyong listahang inihanda ko dahil nasa bulsa ko noong hinulog ako sa pool. Sayang nga lang dahil wala ang “SWAY” ni michael buble. Gusto ko siyang subukang kantahin. Siyempre todo kanta naman ako.
nang siguro mag-5 na at turn ko na para maligo sa kuwarto sa itaas, nawalan ng tubig. Dios mio. E sa baba wala na ring tubig sa gripo. Kinailangan ko pang mag-igib sa drum. Habnag naliligo namana ko, naririnig ko na plinay na iyong “Ikaw Lamang” na sana’y iduduet naming isay na naliligo na rin sa tabi kong room. Sayanag di ko alam ang lyrics. Tapos nagmamadali na rin akong magbihis. hanggang 6 lang daw sila, e. Pero bago kami umalis, humirit pa kami for the last time.
Sina Judith at gelo, sumabay kina nikki. Sina jhayee at leslie sumabay kina jeff. So naglakad na alng kami hanggang labasan. Actually, may chineck pa ga sina gelaide na resort par asana sa semender. Sana matuloy…
Di ko na alam kugn sinu-sino ang mga kasabay ko pauwi. Basta naaalala ko sina dudubs at wawo bibili pa raw ng bukopie. Naaalala ko rin na sa bus nakasabay ko sina hans, gelaide, carmel, rubie, grace, jamark at isay. Si carmel, grace at rubie sa magallanes bumaba. Ako at isay with jamark sa buendia-taft. Sina gelaide at hans di ko alam dahil nauna kami sa kanilang bumaba, e.

Thursday, March 23, 2006

Billboard Updates (Issue Date: April 1, 2006)

Here are Mariah's Billboard chart positions for the magazine's issue date April 1, 2006.

The Emancipation of Mimi ▲6
Billboard Comprehensive Albums: #48 (Last Week #37)
Billboard 200: #47 (Last Week #37)
Billboard Top R&B/Hip-Hop Albums: #25 (Last Week #15)
Sales this week: 20,177 (-20%)
Total sales: 5,479,396

Don't Forget About Us ●
Billboard Hot 100 Singles Recurrent: #17 (Last Week #9)
Billboard Hot 100 Recurrent Airplay: #4 (Last Week #2)
Billboard Pop 100: #56 (Last Week #54)
Billboard Pop 100 Airplay: #35 (Last Week #33)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #43 (Last Week #33)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #40 (Last Week #29)
Billboard Hot Adult R&B Airplay: #20 (Last Week #15)

Shake It Off ▲
Billboard Hot 100 Recurrent Airplay: #16 (Last Week #9)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Recurrent: #9 (Last Week #4)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Recurrent Airplay: #9 (Last Week #4)

We Belong Together ▲3
Billboard Hot 100 Singles Recurrent: #9 (Last Week #7)
Billboard Hot 100 Recurrent Airplay: #3 (Last Week #3)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Recurrent: #1 (Debut)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Recurrent Airplay: #1 (Debut)
Billboard Adult Comtemporary Recurrents: #2 (Last Week #5, new peak)
Billboard Hot Ringtones: #25 (Last Week #22)

So Lonely
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #88 (Last Week #86)

Fly Like a Bird
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #46 (Last Week #63)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #44 (Last Week #59)
Billboard Hot Adult R&B Airplay: #28 (Last Week #39, most airplay adds)

# This week marks the first time "The Emancipation of Mimi" is at different positions on Billboard's Comprehensive Albums and 200 charts (#48 and #47 respectively). This is due to the exclusive release of SheDaisy's "Fortuneteller's Melody," which debuted at #22.

# "We Belong Together" fell out of the top 50 on the Hot R&B/Hip-hop Singles & Tracks chart after spending 52 weeks in it (exactly one year). It spent 14 weeks atop the chart, tying Deborah Cox's "Nobody's Supposed to Be Here" as the chart's longest running #1.

It also spent 14 weeks atop the Hot R&B/Hip-hop Airplay chart, becoming the chart's longest running #1.

# Also, "We Belong Together" has reached a new peak on the AC Recurrent chart.

# This week, "Fly Like a Bird" receives the most airplay adds on Adult R&B radio with 9 new adds. It's also the 2nd greatest gainer on this format.

# "Say Somethin'" shows good early signs this week as it appeared on the Mainstream Top 40 Chart Bound section (155 spins, +150). It had 6 new adds last week including WHTZ (Z100). 27 out of the total 119 mainstream top 40 radios monitored played this song last week.

# The RIAA has finally certified "Shake It Off" as a platinum single (over 200,000 downloads) and "Don't Forget About Us" as a gold single (over 100,000 downloads) although the latter is eligible for a platinum certification (with 271,482 downloads as of last month.)


Source: Mariah Daily | Ritcher | Juan Antonio

Wednesday, March 15, 2006

PBB House!!!

Pumunta ako kanina sa school para sa meeting de avance ng president. Hanggang VP lang kasi ang natapos kagabi dahil masyado nang late. Actually, di lang naman iyon ang ipinunta ko. Nag-consult ako sa prof about a project. Nakakaasar lang dahil hindi nakaratign ang isa kong groupmate di man lang nagpasabi. So ganun na nga. Dumaan na rin ako.
Interview pa ni millie. Siyemrpe batch head kaya mas matagl kasya sa usual. Si jhayee naman ang tiyaga talagang maghintay at nangakong tatapusin niya raw ang interview. Feeling ko naman di na mabubura ang record na sinet niya last sem sa interview.
So kaming dalawa na lang ni carmel ang say umuwi. Si isay nag-iinterview rin.
Sa MRT Quezon Ave, naisipan lang naming pumunta sa Big Brother House. Di namin alam mismo kung saan basta alam namin malapit lang sa ABS. Baon ang impormasyong nalalamin namin tungkol sa lokasyon ng bahay, tiniyak namin ang kalye hanggang makita ang Eugenio Lopez Drive at kumaliwa. Iyon na nga ang bahay. Naalala rin namin na Eviction Night ngayon. In all fairness, kaunti pa lang ang tao. Wala pang artista at si Jenny Suico lang ang nakita namin. Umalis rin kami agad at nangakong babalik na lang next time. Dati pa kasi namin binabalak ang field trip na ito na di lang matuluy-tuloy due to so many reasons.
Tapos, nag-bus na alng kami pauwi. Nakakatamad kasing umakyat pa sa MRT, e.

Monday, March 13, 2006

Engeng Diatabs@_@

Grabeh!! Feeling ko naimpacho ako kagabii.
Noong dinner, feelign ko hindi ako makakilos. Di naman ako masuka kaya pinilit ko na alng tumae. Feeling ko nasobrahan ako ng kinain. Kaya nahiga na lang ako para magpahinga.
Hehhe. Takaw ko kais, e.

Sunday, March 12, 2006

Welcome To The Christian World!!

Binyag ngayon ng pamangkin ko sa pinsan ko. Ang alam ko birthday rin ng bata. Siyempre pumunta ako kanina. Actually, neighbor lang namin isila kaya sinipag akong pumunta. Kagabi nga tumulong pa ang kuya at tatay ko sa pagkatay ng baboy. Siyempre hinatid iyon nang buhay.
Siyempre maraming bisita. Iyong mga kamag-anak dito sa Maynila ay inimbita. E hindi ko naman silang lahat kilala siyempre. May isa nga akong minanuhan bago ako umalis kanina. Medyo may edad na siya kaya akal ko tito ko. Pinagtawanan pa ako sa bahy dahil pinsan ko daw iyon. Malaykoba? I was just tryign to be respectful para wala na silang masabi. Pag di ko naman ginawa iyon tapos tito ko pala sioya, e di naging bastos pa ako.

Wednesday, March 08, 2006

At Last!!

Sa wakas, nakita ko na rin si deng kanina. Sabi nga niya pumayat siya. La lang. Chika chika ang. Di ba naman nagpunta ako school para lang sa kanya. Taga na kasing di ko siya nakikita.
In fairness, nakuha niya an rin ang ID niya sa Lost And Found corner sa AS. Last sem pa iyon, e. Wala rin naman kaming gaanong nagawang kakaiba dahil hinintay pa niya si ate dang na ayon kayjay ay pauwi pa lang mula sa LB. So la lang. Sana next time may videoke party na.

Saturday, March 04, 2006

I Had Fun Last Night With...

Ngayon lang ako nakalabas ng bahay dahil kadarating pa lang ng pamilya ko fro an outing kasama ang mga kamag-anakan namin dito at mga kapitbahay. As in ako lang ang tao dito sa bahay kanina kasama ang tatlong aso namin. Di ba naman, apat kaming nanonood ng "The Classic" na korean movie na hiniram ko pa kay Lovely. Maganda ang story pero hindi ako masyadong naka-relate. Thanks na rin dahil andun si jo in sung.
Galing kasi ako sa overnight kina gelaide. Nagkayayaan kasing mag-Star City at kasama n rin ag overnight kina gelaide. Sayang naman kung hindi ako sasama dahil may coupons si hans na may 5 free rides at P60 para sa entrance lang ang babayaran. Siyempre pinatapos pa ang BOD meet bago umalis. Kasama sina carmel, gelaide, hans, isay, judith, gelo dudubs, april, adrian, wawo, jhayee, leslie at james(app), punta kami sa vinzons para doon sumakay ng jeep papuntang philcoa. Humiwalay sa amin sina dudubs, jhayee at adrian. Dapat nga sasama si dudubs pero mas pinili niya sina JE at adrian. Iniwanan kami para sa dalawang lalaki? Sana naman nabusog siya. Si wawo naman dumiretso sa hi-way habang kaming lahat ay bumaba sa philcoa para sumakay ng jeep papuntang taft. Nakita pa nga namin sina oj at ayeth sa faura naglalandian. Joke lang. Tapos sakay kami ng jeep papuntang vito cruz para imeet sa jollibee sina aris at mike na earlier ay napadaan sa cartimar para may bilhing something. Doon na rin kami kumain. Sumama si mike dahil andun rin daw ang ate niya samantalang si aris ay umuwi na. So eleven na lang kaming lahat na natuloy: ako, gelaide, hans, leslie, carmel, gelo, isay, judith, mike, april at james.
Nang andun na kami sa star city, siguro mga 10 o’clock na iyon, nag-bump car muna kami. 11 kami s 10 lang iyogn cars na pwedeng sakyan. Share naman sina hans at gelaide so kaya match lang. Ang problema binabangga nila akong lahat. Di ko rin maintindihan dahil feeling ko ayaw umandar ng car ko. Naalala ko tuloy noong nag-race car kami sa rob noong third year. Sobrang bangga ako nang bangga habang pilit naman akogn inaassist ng kuya doon. So naubos lang ang oras ko sa ganung eksena. Nasayang lang tuloy ang ibinayad for me. Thanks Ralph. So ganun na nga. At least ngayon, banggaan na talaga.
Tapos dumiretso na kami sa Viking. Medyo nakakatakot lang dahil andun ako sa pinakadulo ng isang row ng upuan. Katabai ko pa si leslie baka mapadausdos ako hanggang mahulog.. Tuwign titingin ako sa ibaba, parang medyo nakakatakot na baka mahulog ako. Alam mo iyong paano kung magkaroon ng mga aksidente at madedo ako? Paano na si *&^%$#. La lang. Baka maging isang ghost stalker lang ako na susundan at papanoorin ko siya sa bawat gagawin niya. Wish ko kaya na maging invisible kahit isang araw lang.
Sinubukan rin naming ang Flying Carpet. Medyo mas nakakatakot ito pero mukhang mas exciting. Hindi sumama sina gelaide, carmel at james bagkus ay sila anag kumuha ng pics namin. Si april nga sobrang nangangatog na nakayuko na talaga. Natuluan pa anga ako ng laway ni gelo, e. Sobrang namumula talaga siya. Akala ko nga nasukahan ako, e.
Tapos nagpunta kami sa Lion King. Di ba medyo nakakarelax naman. Nakakaawa nga iyogn mg animals doon dahil inaagiw na talaga nang sobra-sobra. Tapos medyo nababasa pa kami buti na lang naitataas ko nang mabuti ang mga paa ko. Kami pa namain ni say taba ang nasa unahan so kami talaga ang nababasa nang todo-todo kapag pababa na kami sa planck. Triny ko rin intindihin ang kwento dahil di ko talaga alam ang kwento ng the Lion King na movie. Wawa naman ako.
Dahil 5 free rides lang ang coupon namin, panglima namin ang Ice Palace. As usual, malamig siya. Buti na lang, nakasapatos ako. Sobrang ginaw kasi at ang iba ay naka-sandals lang. Kasi nililibag na ang ilang ice sculptures doon, e. La lang. May malalaswa pang sculptures. At least, naubos namin ang 5 free rides before mag-close ang Star city.
Pag labas namin, nagpaalam pa si carmel sa parents niya para mag-overnight kina gelaide. Alanganing oras na kasi at wala pa siyang makakasabay pauwi. Actually, first time niyang mag-overnight dahil hindi raw siya sanay na matulog sa bahay ng iba. Ako nga ngayong college lang nakapag-overnight sa ibang bahay. First yata iyong kina katz last year. Iyong apps' party ni ate vely ay hindi naman ako natulog. So ganun na nga pinayagan naman siya. Si mike sy sumabay na sa ate niya. Si james naman na dapat ay uuwi sumama na rin. Si hans naman ay susunduin ng parents niya mismo sa labas ng star city. Sayang nga dahil di siya pinayagan. Pero pinasakay niya na kami sa FX na tinawag ni gelo. Lahat kaming naiwan ay dumiretso na nga kina gelaide maliban kay gelo na umuwi na. Magkalapit bahay lang naman sila, e.
So kaming lahat: me, judith, gelaide, les, james, carmel at april ay nagtsismisan pa. May mga tao at isyu kaming pinag-usapan. Bumili pa nga sina judith ng chichirya sa tindahan nina gelaide. Tapos, tinawagan pa ni gelaide si deng. Dapat kasi pupunta siya. Ito sana ang una kong pagkakaton para makita siya since grumadweyt siya. E hindi na raw tutuloy dahil hatinggabi na pasado. Nagpasahan na lang kami ng phone at nakausap ko naman siya. Lahat talaga kami kinausap niya pati ang app na si james na di pa niya nakikilala. Di ko an alam kung anong oras ako nakatulog naaalala ko lang 5:30 nang magising ako, nag-uusap pa sa phone sina deng at james. Todo bonding ba ito?
Kanina siyempre, doon na kami nag-breakfast. Naligo pa nga sina leslie at isay. Nanood pa kami ng Power Rangers Wild force. Katuwa naman, di ba? Mula sa LRT, ako nang mag-isa ang umuwi. Pupunta pa kasi ang iba sa school para sa road painting e hindi talaga ako pwede. Dapat pagdating ng family sa bahay, andun na ako. Wala pa ring nagpapakain sa aso namin. Sorry po!

Thursday, March 02, 2006

Billboard Updates (Issue Date: March 11, 2006)

Here are Mariah's Billboard chart positions for the magazine's issue date March 11, 2006.

The Emancipation of Mimi ▲6
Billboard 200: #22 (Last Week #15)
Billboard Top R&B/Hip-Hop Albums: #12 (Last Week #8)
Sales this week: 35,363 (-36%)
Total sales: 5,406,164

Don't Forget About Us
Billboard Hot 100: #47 (Last Week #37)
Billboard Hot 100 Airplay: #24 (Last Week #17)
Billboard Pop 100: #41 (Last Week #36)
Billboard Pop 100 Airplay: #30 (Last Week #26)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #25 (Last Week #18)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #23 (Last Week #18)
Billboard Hot Adult R&B Airplay: #13 (Last Week #15)
Billboard Mainstream Top 40: #26 (Last Week #23)
Billboard Rhythmic Top 40: #23 (Last Week #17)
Billboard Hot Dance Music/Club Play: #48 (Last Week #35)
Billboard Dance Radio Airplay: #23 (Last Week #20)
Billboard Ringtones: #13 (Last Week #7)

Shake It Off
Billboard Hot 100 Recurrent Airplay: #8 (Last Week #5)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #47 (Last Week #40)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #46 (Last Week #39)

We Belong Together ▲3
Billboard Hot Singles Sales: #39 (Last Week #35)
Billboard Hot 100 Singles Recurrent: #6 (Last Week #3)
Billboard Hot 100 Recurrent Airplay: #2 (Last Week #2)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #48 (Last Week #50)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #47 (Last Week #49)
Billboard Adult Comtemporary Recurrents: #3 (Last Week #3)

So Lonely
Bubbling Under Hot 100 Singles: #23 (Re-entry)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #65 (Last Week #75)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #66 (Last Week #74)

Fly Like a Bird
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Singles & Tracks: #72 (Debut)
Billboard Hot R&B/Hip-Hop Airplay: #69 (Debut)

# This week, Mariah has 5 (!) entries on the R&B/Hip-Hop Singles & Tracks and R&B/Hip-Hop Airplay charts. This feat becomes a personal best for Mariah!