Goodbye Miklaus
Yes! Namatay na siya kaninang umaga. Nang magising ako, matigas na siya kaya di ko na hinawakan. Hindi na rin kasi akong umaasa na gagaling pa siya sa sakit niya. Halos isnag buwan na rin siyang hindi kumakain. Panay gatas at tubig lamang ang kinukunsumo niya. Sobra nga ang ipinayat niya, e. As in bumagsak ang pisngi niya at hirap nang maglakad nang matagal. Pero alam mo iyon, pag umuuwi ako, kahit di niya ako dinadamba tulad nang dati, iwinawagayway niya naman ang buntot niya na nagpapahiwatig na Masaya siyang umuwi ka kahit hindi niya maipakita. Kaya tuloy, mas nakaka-touch iyon para sa akin.
Marami na rin kaming hinarap na pagsubok sa buhay nang magkasama. Halos 4 na taon na rin siya sa amin. Actually, binigay lang siya ng taong may utang sa amin. Ayaw pa nga sa kanya dati ng nanay ko ngunit unti-unti ay natutuhan niya na ring mahalin dahil mabait naman kahit medyo malandi. Isipin mo naman, itatapat ang p*kp*k niya sa butas ng gate para lang i-seduce ang lalaking aso sa labas. Reminds me of someone…
Tapos, nakunan siya sa loob ng bahay. Naglalakad siya noon nang mahulog ang anak niya na may balot pa. Nabuwang siya noon na tipong naulol pero tumino naman ulit.
Nanganak siya nang lima. Isa patay na paglabas. Isa namatay dahil mahina. Isa lang dapat sa amin. Iyong dalawa ibinigay pero bumalik rin dahil hindi kumakain. Siguro masyado nang malaki para ilayo sa amin. Namatay ang isa kaya dalawa (pawing lalaki) na lamang sa lima ng mga anak niya na buhay na pawing nakatira sa amin. Tapos nanganak siya ulit ng isa courtesy of isa sa mga anak niya (di ko alam kung sino dahil palitan sila) na namatay rin after two days. Wawa naman.
Naaalala ko pa na sabay kaming nakikinig ng mimi songs sa pc. Naiindak pa nga siya sa Emotions, e. Ako pa nga ang huling nagpaligo sa kanya, e. Nitong isang araw nga, nagising ako, magkatabi na kami. Nasa paanan ko siya. Ang sweet niya talaga.