Friends?
Sunday, November 26, 2006 @ 12:00:55 AM
"Let's be friends."
Ironic di ba? Pagkatapos niyang dukutin ang puso mo. Higitin palabas ng 'yong dibdib, pagpirapirasuhin - na parang kinatay na karne (hiniwa "into matchsticks"), at itinapon sa alikabukan, na-atim pa niyang sabihing "let's be friends."
Friends? Para ano? Para makita mo kung gaano sila ka-sweet, at kung paano naglalambingan kapag nag-lunch ang tropa? Para kapag nakasalubong mo sila sa kalye, eh obligado kang mag-smile ng ubod ng saya - kahit na pinipilit mong itago ang sakit ng saksak ng malamig na punyal sa iyong dibdib. At babati ka ng "hi" na punong-puno ng buhay pero ikaw, unti-unti ka nang namamatay. Sino bang hindi mamamatay sa saksak ng punyal?
Friends? Para ano? Para meron siyan ku-kwentuhan ng mga nangyari sa kanila:"she sneaked behind me, tapos tinakpan niya yung mata ko, yung ganon. 'Lam mo best? Ang lambot ng kamay niya!" Bakit? Malambot din naman yung kamay mo ah? Jergen's pa nga ang gamit mo di ba? Tapos 'pag gabi, ite-text ka niya; "everything's perfect" -- bulls#!t! Kasi kapag nagkaproblema, ikaw din ang tatakbuhan ng friend mo. That's what friends are for, di ba?
Friends? Sige nga, honestly, pwede mo bang friend yung taong sa twing nakikita mo e lalo ka lang nai-in love? Na kahit saan ka malingon nakikita mo siya. At pati pabango niya amoy mo kahit imposibleng nasa vicinity siya, kasi nasa kwarto ka lang, nagmumukmok.
Bitter na kung bitter! Eh puch@! Handa ka nang gawin lahat, kahit pahintuin pa ang oras. Tinanggap mo na nga na bakla si Keannu eh. Tapos eto na, ibibigay mo nang lahat-lahat para sa pag-ibig! Pag-ibig in the flesh! Pero ano? Wala! Binalewala na parang charing!
Friends? Para ano? Para andyan ka, kahit papaano mababantayan mo siya, para kahit papaano meron kang karapatang mag-alala. Friends. Para kahit papaano pwede mo siyang mahalin, at maambunan ka ng pagmamahal, kahit friend na lang.
"Lets be friends."
"Sige."
###############
Source: http://peyups.com/article.khtml?sid=4328