Nanghihinayang...
Batch interview ngayon ng apps na maya-maya nang kaunti ay magiging mems na. Well, sana matanggap silang lahat. Kung matutuloy, congrats kina buddies eka, donna, edilyn, recio, marlon at thea. Dumaan lang ako kanina bilang epal people. Feeling ko okey naman ang mga apps pero nanghihinayang ako sa ilan na nag-defer kung kailen malapit nang matapos ang lahat.
Sobrang bitter ako sa pag-dedefer ni jheric. Although bihira kaming magkita, masasabi kong mabait naman siya at friendly. Nagkaroon na rin kami ng bonding moment sa likod ng tambayan with wawo and other people. Nag-flex pa nga siya ng braso sa harap ko, e. MASCI grad siya at ayon sa impormasyong nakuha ko kay ever stalker lovely, medalist daw ito at first section from 1st year to 4th year. So assume ko naman agad na GC siya at matalino. BS Math siya pero balak daw mag-shift sa BS BE next year. Sana hindi matuloy. Hehehe.Joke lang naman. Siya rin ang kaisa-isang batch ’06 na app at medyo gusto ko talagang matanggap siya dahil gusto ni lovely. Love life, e. Feeling ko magiging kapaki-pakinabang siya sa club lalo na sa AAC dahil marami ang ga-graduatesa kanila lalo na kung di siya matutuloy sa pagsi-shift.
Personally, feeling ko interesting ang personality niya base na rin sa kilos at galaw niya. Ballet dancer daw siya kaya modern jazz ang kinuhang PE this sem lang. Marami ang kumukwestyon sa gender niya kabilang na ako pero wala akong pakialam at alam ko na lalaki talaga siya. Bata pa kasi talaga.
Bumagsak siya sa club exam at sobrang baba talaga. Pero ayon sa mga nakakakilala talaga sa kanya, may exam raw siya noong araw na iyon kaya hindi masyadong nakapag-aral for the club exam. Noong malapit na siyang mag-FI, nag-defer ba naman dahil hindi raw siya pinayagan ng nanay niya. Eto ako ngayon nanghihinayang talaga.
Ang matindi pa doon, nagi-guilty ako. Feeling ko kasi na-offend ko siya sa text message na finorward ko sa kanya. Actually, quote naman siya kaya lang medyo may pagka-double meaning at green. Tinext ko rin iyon kay Adrian kaya no motive talaga. Saka mukha ba akong manlalaswa ng bata? Feeling naman siya. I’m so innocent you know! Pero if only kaya kong pabalikin ang oras, di ko na lang dapat finorward. Bata pa kasi talaga siya, e. 15 years old pa lang at sa February pa magsi-16. So young. Kamukha pa naman niya si Idol ko. Pahinging piso…
Well, Malabo mang mag-reapply siya, sana subukan niya uling magpaalam sa nanay niya at promise di ko na siya susubukang ma-offend.